Chapter 33

2 0 0
                                    

"Sometimes we used white lies to avoid hurting someone or just for our own sake.Even how good your intention is sometimes white lies still hurts us in the end..."

"S-san k-ka ba galing Dharel?!k-kanina ka pa naming hinahanap,tawag din kami ng tawag sa phone mo pero di mo sinasagot."yan kagad ang salubong na tanong ng halatang kabadong si Gie Anne sa lalaki pagkarating nito ng bahay galing sa pinsang si Sean.

"Nakasilent ang phone ko kaya diko narinig mga tawag niyo.Kaya nga umuwi ako agad dito ng makita kong ang dami niyong missed calls.May problema ba?"sagot ni Dharel na napakunot pang noo dahil sa pagtataka sa kinikilos ng kaharap.

Kapansin-pansin kasi ang pagkabahala sa mukha ng kaharap kaya naman bigla siyang kinabahan.

"Si babes?!a-asan s-si zhe-------"

Boooggzzzzzz!!!!!!!!!!

Isang malakas na suntok ang sumalubong sa mukha ni Dharel kaya di na nito nagawa pang tapusin ang sasabihin.

Sumadsad ito sa sahig na agad dinaluhan ni Gie Anne.Napatili naman ang mga babae.Pag-angat ng ulo ni Dharel ay ang galit na galit na mukha ni Rinard ang nakita niya.Galit na di niya alam kung san nagmumula.

Muli pa sanang susugurin ni Rinard si Dharel para bigyan pa ng isang suntok ito ngunit mabilis na naagapan ng mga naroon.

"Pre tama na..."awat ng mga ito.

Gigil na gigil na itinuro pa ni rinard ang hintuturo kay Dharel.

"Gago ka!kala ko pa naman matino ka yun pala isa kang malaking gago!!!Ang laki pa naman ng tiwala ko sayo yun pala isa kang malaking siraulo!!!"rinard.

"Brod a-ano ba----"Dharel.

"Wag mo kong ma'brod-brod dahil diko mapapalampas ang ginawa mong kalokohan sa kapatid ko!!!"

"A-ano bang nag------"

"Wag ka ng makalapit-lapit pa sa kapatid ko mula sa araw na to!tandaan mo Yan!!!"wika ni rinard bago tinalikuran ang mga naroon.

Napapailing na tumingin ang mga lalaki kay Dharel bago sumunod kay rinard habang ang mga babae ay naiwan kasama nito.

"Dharel alam na niya..."mahinang wika ni Annie.

"Anong???"

"Alam na niya!!!Ano ba Dharel?!!hanggang ngayong mga oras pa rin ba na to di mo pa rin naintindihan ang mga nangyayari huh?!"bakas ang galit sa tinig ni Luz bagamat di maikukubli nitong kinakabahan ito.

"Oo nga p-pero paano?Panong?!"Dharel.

"Hindi rin namin alam,kung pano niyang nalaman..." Tulirong sagot ni Luz.

"Ano ng gagawin natin ngayon?"tanong ni Gie Anne .

"Kasalanan niyo tong dalawa eh"sambit ni Annie na ang pinatutukuyan ay si Dharel at Gie ann"noon ko pa sinabi sa inyo na habang maaga pa sabihin niyo na sa kaniya ang totoo,eh di sana hindi na umabot pa sa puntong siya na mismo ang nakaalam."dagdag pa nito.

"Ano pang magagawa natin nangyari na and stop acting like na wala kang  kinalaman sa mga nangyayari ngayon so stop blaming us..."

"Why should she's stop?!!totoo naman diba?were always remind you and Dharel to tell her the truth quickly but you don't even bother to pay attention.Kaibigan namin si zhel mhay at mas matagal namin siyang nakasama kesa sa inyo kaya nung una pa lang binalaan na namin kayo pero binalewala niyo!!!"galit na ring wika ni Luz na tinapunan pa ng masamang tingin ang dalawa.

"Tama na pwede?!I admit it's my fault kaya please la-----"Dharel.

"Buti alam mo!"sagot ni Luz dito na hindi na pinatapos pa sa sasabihin nito."Isa pa!nakiusap lang kayo samin ni Annie tungkol sa bagay na to,lalo ka na Gie Anne!kaya umayos ka!!!"dagdag pa nito saka binigyan ng masamang tingin ang kaharap.

"Luz halika na,nagsasayang lang tayo ng oras dito mas kailangan tayo ng kaibigan natin ngayon."wika ni Annie bago hinila sa kamay ang kaibigan papalayo sa dalawang di na nakuha pang umimik dahil kapwa nanlulumong napasandal sa sopang kinauupuan.

Kapagdaka'y biglang tumayo si Dharel."t-teka san ka pupunta?!" tanong ni Gie Anne na napaayos ng upo ng mapansing balak nitong umalis.

"I have to talk with zhel mhay,alam mo ba kung san siya nagpunta?!."Dharel.

"Dharel wag muna ngayon."pigil naman ni Gie Anne sa lalaki.

"Hindi pwede,I need to talk to her to explain everything...dahil kung patatagalin ko pa to baka tuluyan na siyang mawala sakin!Ilove her so much!!!"Dharel.

"Kaya nga give her time kahit ngayong araw lang.At Kung sakali man na magkausap kayo if anuman ang maging desisyon ni zhel mhay respect her and then let her to decide,lalo na sa Kung saan siya sasaya..."

Napaisip si Dharel sa sinabi nito...

Kung saan siya sasaya?makakaya kaya niyang tanggapin kung sakaling iwan siya ng nobya?Pero hindi...alam niya mahal siya ni zhel mhay at yun ang tanging panghahawakan niya sa ngayon...
*****

Akala natin okay na, yun pala hindi pa...

Akala natin sapat na,yun pala may kulang pa...

Akala natin tama lang yun pala hindi...

Akala natin darating yun pala hindi...

Mga akalang karamihan lang tayo ay pinaasa,pinaiyak at ang iba ay pinasaya...

Siya?!eto nag-iisa,nasasaktan,at umiiyak dahil din sa akalang ang lahat ay totoo yun pala hindi.

Ngayon ay pinipilit gisingin Ang ang sarili sa pag-aakalang ang lahat ng mga nalaman niya ay sa panaginip lang nangyayari...

Ngunit kahit anong gawin niya ang katotohanan pa rin ang siyang patuloy na sumasagi sa isipan niya.Katotohanang ang dulot ay ibayong sakit...

"Bhez..."

"Bhez..."

Dalawang tinig na kahit di niya lingunin ay alam niya kung sino ang mga nagmamay-ari.

"Bhez..."

"Wag muna ngayon, please..."

"Sige kung ayaw mo pang makipag-usap ngayon...let us stay here with you...sasamahan ka namin until you decide to go home..."Annie.

Hindi siya nagsalita o nilingon man lang ang mga ito sa halip ibinaling ang tingin sa mga along malayang humahampas sa dalampasigan.

Pagkaraan ng ilang saglit muling pumatak ang ilang butil ng luha sa kaniyang mga mata dahil sa mga masasayang alaalang kasama ang mga taong nagbigay dati ng kulay sa mundo niya ngayon ay  biglang dilim dahil sa isang pagkukunwari...

Ito pala yun...ito pala ang dulot ng kabang noon pa man ay nararamdaman na niya dahil sa akala...AKALANG di niya lubos maisip na magkakatotoo pala...

Gano nga ba kasakit ang maloko ng mga taong pinagkakatiwalaan mo?

Masakit...sobra!!!dahil sa lahat ng tao sila ang huling iisipin mo na gagawa sayo ng bagay na to...ang lokohin ka sa kabila ng tiwalang ibinigay mo...

Love Me Not Leave MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz