Chapter 29

2 0 0
                                    

Kanino kaya galing to?aniya sa sarili habang manaka-nakay tumitingin sa paligid.

Bigla na lang kasi umalis ang batang nag-abot sa kanya ng bulaklak matapos niya itong kunin.Hindi tuloy siya nakapagtanong kung kanino galing ito.

"Wow naman!saglit ka pa lang nakakalabas may pa flower na kagad bhez!!!"sambit ni luz ng makalapit sa kanya.

"Sang lupalop mo naman yan nakuha bhez?Ang pagkakaalam ko kasi sa loob ng pick-up tayo galing at wala akong natatandaan na meron niyan dun."tanong naman ng nagtatakang si Annie.

"Hindi ko nga rin alam"sagot niyang pilit hinahanap ang batang nagbigay sa kanya nito.

"Ano yun bhez magic?instant sulpot kagad sa harap mo isang kumpas mo Lang.tsk!Tsaka teka nga sino bang hinahanap mo diyan at kanina ka pang linga ng linga kung saan-saan huh?!"may himig pagkairita sa boses nito habang nagsasalita.

Binalewala niya ang pagsusungit ng kaibigan dahil abala pa rin siya sa paghahanap at pag-iisip sa kung sino ba ang taong nagpabigay ng naturang bulaklak.Ayaw niya isipin pero isang tao lang ang biglang pumasok sa utak niya ng matitigan ang hawak na bulaklak.

"Tsk!tigilan mo kami Luz ha,Kung meron ka man ngayon wag mo samin ibaling yang init ng ulo mo kundi dun sa babaeng kasama ng Gerald mo."wika naman ni Annie na ngayon ay masama na ang tingin sa kinaroroonan ng tinutukoy.

Dharel I'm sorry... bulong niya sa hangin.

"Bhez halika na,at baka makapatay pa ng tao tong kasama natin sa sobrang talim makatingin.Kundangan ba naman kasing ayaw pang sagutin ang Gerald na yun ng di ka nagkakaganyan ngayon.Hay naku Luz Kung kayo na may kiber ka ng magalit at magwala dito anytime."Annie.

"Eh bakit kaya hindi yung Denver mo at ejay mo ang problemahin mo.Sagutin mo na ang isa ng mabawasan ang maliligalig sa buhay mo.tsk!"Luz.

Napapailing na lang siya sa palitan ng salita ng dalawang kasama kahit sanay na siya na laging aso't pusa ang peg ng dalawang to.

"Tayo na nga bago pa kayo magsabunutan diyan"yaya na niya sa mga ito"san na nga pala si Gerald?"tanong pa niyang nagpalinga-linga tsaka biglang naalarma ng makita ang batang nag-abot sa kanya ng bulaklak.

At tulad din ng nangyari kanina kung gano ito kabilis na umalis sa harapan niya matapos abutin ang isang pirasong bulaklak ay ganun din ito kabilis nawala sa paningin niya.

"Bhez kala ko ba uuwi na tayo?"tanong ni Luz saka sinundan ng tingin ang kanyang tinitingnan.

"Nagugutom ka ba?Tara kain muna tayo sa Mang Inasal..."Yaya nito sa kanya sa pag-aakalang yun ang dahilan bakit siya nakatitig sa naturang lugar.

"Bakit ba pinag-aaksayahan ko ng oras ang taong nagbigay nito?"tanong niya sa sarili habang nakatingin sa bulaklak."Gush!bakit ba ko nagkakaganito?bakit sa halos lahat ng anggulong ganito ikaw ang pumapasok sa isip ko?May iba ka na kaya malabong ikaw ang gumagawa ng mga bagay na to."

"Bhez?!"sambit ni Annie sa pangalan niya. "uyyy bhez!!!"malakas nitong wika na may kasama pang hampas sa kanyang braso.

"Ouch ha,masakit yun!"daing niya dito.

"Eh di nagising ka rin,langya bhez kanina pa kami daldal ng daldal dito ni Luz.Halos maubos ng laway namin sa kakausap sayo samantalang ikaw out of Earth.Ano na naman bang gumugulo diyan sa magulo mo ng utak ha?"talak ni Annie sa kanya na ikinatahimik niya.

"Tayo na nga muna umuwi,mamaya na tayo magchikahan to the max at pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito."singit ni Luz sabay abot ng dala Kay Gerald at hila sa dalawang kaibigan.

*****

"Ano nag-enjoy ba kayo sa gala niyo"salubong na tanong sa kanila ng mga naiwan pagkarating nilang apat ng bahay.

Walang sumagot ni isa sa kanila kaya naman alam na kagad ng mga ito na hindi maganda ang kinalabasan ng paglabas nila.

Nilibot niyang tingin sa kabuuan ng sala tsaka binalingan ang mga kaharap.

"Si Dharel asan?"tanong niya ng mapansing wala ito.

"Umalis,may pupuntahan lang daw saglit."sagot ng kanyang kuya rinard.

"Kuya hindi ba sinabi kung saan daw siya pupunta?"zhel

"Hindi sinabi,nagbilin lang na sabihin sayo.Nagmamadali kaninang umalis eh kaya diko na rin natanong pa."rinard.

"Ganun ba,sige akyat muna ako magbibihis lang ako."paalam niya sa mga ito"kayo?!"baling niya kina Luz at Annie na sabay namang tumango sa kanya.

Napansin niyang biglang tahimik ang dalawang kaibigan ng bumabyahe na sila pauwi.Na siyang nakakapagtaka dahil karaniwang nagkukulitan at nag-aasaran ang mga ito pag magkasama.

Isang bagay pa ang kaniyang napansin para naman sa kaibigang si Gie Anne.Mula ng matapos ang awting nila sa beach parang nag-iba ito.Hindi masyadong nagsasasama sa kanilang mga babae.

Minsan pa nahuhuli niyang seryosong nakikipag-usap ito sa nobyong niyang si Dharel.At kung minsan naman sa dalawa ni Luz at Annie.

Ayaw man niyang isipin na may tinatago ang mga ito pero yun ang laging pumapasok sa isip niya pag nakikita niyang magkakasama ang mga ito.

Sa bandang huli kinukumbinsi na lang niya ang sariling wala Lang ang mga yun.

Pero ngayon napagdisisyunan niyang kausapin na ang mga ito.Kaya naman uunahin niyang kausapin ang dalawang matalik na kaibigan.Tsaka niya isusunod ang nobyo at ang kaibigang si Gie Anne.

*****

"Bhez,anong meron at bigla kang nagyaya dito sa tabing dagat?"tanong ni Luz ng di na siguro makatiis.

Kanina pa kasi silang nakatayo sa paborito nilang spot habang nakatanaw sa dagat.

Si Annie di na nakatiis kaya naman umupo na sumunod naman si Luz at siya ang panghuli.

"Bhez speak it out,alam ko kanina ka pang may gustong sabihin samin."wika ni Annie na seryosong nakatingin sa kanya.

Habang si Luz naman ay inabala ang sarili sa pagsusulat ng kung ano sa buhanginan.Kala mo walang pakialam sa nais niyang sabihin pero alam niyang all ears ito sa mga salitang lalabas sa kanyang bibig.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.Saka matamang pinagmasdan ang dalawang kaibigan na naghihintay ng kaniyang sasabihin.

"Annie,Luz"sambit niya sa pangalan ng mga ito tsaka  tinitigang maigi sa mga mata ang dalawang kaibigan.

"Bhez...ano bang problema mo?kinakabahan na ko sa mga kinikilos mo ha."wika ni Luz.

"Bakit ka naman Kakabahan Luz,wala ka naman sigurong tinatago sakin diba?!"zhel.

Love Me Not Leave MeWhere stories live. Discover now