Chapter 28

3 0 0
                                    

"Bhez...bakit ganun?Alam ko mali to eh.Pero diko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng selos,ng inis,ng panghihinayang na hindi naman dapat.Nung marinig kong his with another girl nasaktan ako kasi iniisip ko.Ako dapat yun diba?pero bhez mali to eh,pakiramdam ko ang landi-landi ko kasi andiyan si Dharel na boyfriend ko tapos nagkakaganito ako dahil sa ibang lalaki."mahabang wika ni zhel habang yakap siya ni Luz.

Kumalas ang kaibigan sa kanya bago mataman siyang tinitigan sa mga mata.

"Sa ibang tao,oo mali yang nararamdaman mo.At kung ako ang tatanungin mo tanga,sipsip at walang kwenta kong kaibigan kung sasabihin kong Tama yang nararamdaman at ikinikilos mo.At kung para sa sarili mo bhez,oo Mali talaga Yan,pero nagpapakatotoo ka lang sa nararamdaman mo ngayon."sagot naman ni Luz.

"Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko kay Dharel."

"Normal Lang na makaramdam ka ng ganyan bhez.Ang maipapayo ko lang sayo,habang maaga pa alamin mo sa sarili mo  kung ano ba yang nararamdaman mo.Dahil baka sa huli pareho pa kayong masaktan ni Dharel at maiiwan kang luhaan sa isang tabi."

"Bhez salamat ha...sa mga ganitong pagkakataon diko nararamdaman na nag-iisa ako.Lagi kayong nandiyan ni Annie.Kaya salamat talaga ke Lord kasi kayo ang naging kaibigan ko."

"Tsk!ang drama.Tama na nga yan!Tumayo ka diyan at ayusin mo ng sarili mo ang pangit mo na.Ikaw din baka makakita si Dharel ng mas maganda at mas sexy sayo ipagpalit ka bigla..."nakangiting wika pa ni Luz.

"Tsk!talagang may panakot ka pa.Oo na bumaba ka na dun at mag-aayos nako.Tsaka baka hinahanap ka na ng Gerald mo..."pagtataboy naman niya dito.

"Heh!tigilan mo ko.Sige na,bilisan mo diyan ha.Kundi si Dharel ang papupuntahin ko dito at siyang uutusan Kong magpaligo at  magbihis sayo."bawi naman nito sa kanya.

"Baliw!!!"

Tumatawa naman itong lumabas ng silid.

*****

Nang makapag-ayos ng sarili lumabas na siya ng silid.At dumiretso sa sala kung san narinig niyang nag-iingay ang mga kasama.

Ano kayang meron at parang mga asong nakawala sa matagal ng pagkakatali ang mga taong to?(zhel mhay)

Hindi niya masyadong makita ang mga ginagawa ng mga ito dahil ang iba ay mga nakatayo habang nag-aasaran samantalang ang iba mga nakasalampak sa sahig na natatakpan naman ng sofa na naroon.

Love Me Not Leave MeWhere stories live. Discover now