Chapter 6

5 0 0
                                    


Stephanie's POV

"Nice di ba si Sherwin Yun?" Turo sakin ni zhell sa lalaking naglalakad sa gitna ng hallway.

"Oo bakit?" Sagot ko habang inaayos ang upuan ko at saglit na sinulyapan ang itinuturo niya

"Sino yung Kasama niya?Bagong chicks?!" Tanong pa niya na di pa rin inaalis ang tingin sa aking kababata.

Di ko maiwasan ang mapakunot-noo hindi ko Kasi napansin kanina na may kasama pala ito

Kababata ko si Sherwin,close kami dati pero habang tumatagal  nag-iiba ang pakikitungo niya sakin.There are times na sweet siya tulad dati.Tapos minsan magsusungit daig pa ang babaeng may PMS.

And worst is para akong stranger sa kanya lalo na pag may babae siyang kasama "chicks" kung tawagin nitong si zhell di daw kasi GF ang tawag dun.Paiba-iba daw kasi ang mukha ng mga nakikita niyang kasama ito.

"Ewan ko,siguro..."sagot ko at sinundan na din ng tingin ang dalawang tinitingnan niya na talaga namang di man lang niya nilubayan ng tingin hanggang sa mawala ng tuluyan ang mga ito sa kanyang paningin.

Hmmm...maasar Kaya tong babaeng to may something dito ehh,mabuti pa tanungin ko na lang baka mapag-initan pa ko dahil bigo na naman siyang Makita si Mr.S ang kanyang destiny haha.

"Alam mo zhell parang gusto kong isipin na may gusto ka sa kababata kong Yun" I asked her.

"Baliw! nagtataka lang kasi ako.Di ba nabanggit mo sakin dati na sobrang close kayo,bakit kung umakto yun minsan parang ewan lang tapos parang lamang pa yung time na acting stranger sya at dika kilala."zhell

Babaeng to busy na nga dun sa destiny niya pati yung nangyayari between samin ni Sherwin napapansin pa.Haistt naalala ko pa tuloy.nakakalungkot :(

Bakit nga ba nagtataka pa ko eh mala kuya Kim pala tong kasama ko ang talas at ang lakas ng pakiramdam nito.

Kala mo patahi-tahimik lang sa isang tabi pero nakikiramdam Yan at nagmamasid sa mga nangyayari sa paligid.Si zhell din ang tipo ng taong marunong mangilatis ng iba in her own way.

Malaki ang pagkakaiba naming dalawa pero kahit ganun Marami kaming napapagkasunduan.

Karamihan ng first impression sa kanya is: mataray,maldita,maarte.Puro Nega di ba?Sabagay diko din Naman Sila masisisi dahil di naman nila nakakasama at nakakausap tong babaeng to.Aaminin ko ganun din ang unang tingin ko Kay zhell pero nagbago yun mula ng makilala ko siya.

Nainis pa nga ako nung una sa kanya.Ang taray na ang tahimik ng dating basta yun ganun.Tapos ang istrikto pag may group activity.Siya kasi ang madalas gawing leader.

Pero lahat ng mga naisip ko about her nawala din kasi unti-unti ko siyang nakilala.Naging close kami.

Pagdating lang talaga sa study seryoso siya.Pero once na walang klase at break time na dun na lumabas ang mga kakulitan at kalokohan niya sa Buhay.

"Hoy!!!" Napapitlag ako dahil sa hampas niya mula sa balikat ko."Nice...alam kong maganda ako.Pero gulay naman wag kang matotomboy sakin ha,sayang ang lahi mo day pag di napakinabangan." Sambit pa niya sakin habang bahagya pang nakataas ang mga kilay.

Love Me Not Leave MeWhere stories live. Discover now