Chapter 40

3 0 0
                                    

"Sean...please don't leave me...I miss you so much and I love--- you"

Sa mga sandaling iyon ay tila ba tumigil ang takbo ng oras para sa kaniya.Ang mga katagang iyon na galing mula sa dalagang kaharap ay di niya inaaasahang maririnig mula dito sa mga sandaling iyon.

"Zhel mhay...t-tama ba ang dinig ko sa sinabi mo?Mahal mo nga ba a---"

Sa halip na sagutin siya ay hinila siya ng dalaga at niyakap."Please stay by my side..."

Wala na nga siyang nagawa pa kundi sundin ang nais nito.Humiga sila sa kama at magkayakap na magkatabi.Sumiksik naman ang dalaga sa kaniyang matitipunong dibdib.

"Sana...ganito na lang tayo lagi zhel mhay...Mahal ko."lihim niyang anas habang marahang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

Hindi niya ring mapigilang hilingin na sana...wag nang matapos ang mga sandaling yun.

Zhel mhay POV

Lumipas ang magdamag na wala nang nagsalita pa sa kanilang dalawa.Nakuntento na lang sila sa ganong posisyon kahit wala mang imikan.

Ang mga tibok ng kanilang mga puso ay tila sapat na para ito mismo ang magsabi ng nilalaman nito.

Hindi siya lasing ng mga sandaling iyon pero ramdam niya yung tama ng alcohol sa buong kalamnan niya.Higit sa lahat yung tama ng mga salitang narinig niya mula sa kaniyang mga kaibigan.

Alam na niya ang buong katotohanan dahil hindi na kayang tiisin pa ng mga ito ang ginagawa niya sa binata.Kaya minabuti ng mga ito na kausapin siya at sabihin sa kaniya ang mga nalalaman ng mga ito.

Oo nagalit din daw sila sa ginawa ng dalawa subalit Yun ay dala lamang ng labis na pagmamahal sa kaniya ni Sean.

Dahil sa labis na takot na namayani sa puso nitong pagdating ng araw na muli itong magpapakita sa kaniya ay may nagmamay-ari ng iba sa puso niya.Kaya naman minabuti nitong pabantayan siya sa pinsan nitong si Dharel hanggang sa dumating nga sa puntong nagkaroon ng kasunduan ang dalawa.

Hanggang sa mauwi nga sa paglala ng sitwasyon dahil nahulog ng tuluyan at minahal na nga siya ni Dharel.At ang suliraning iyon ay di na kaya pang pigilan ni Sean.

Lahat ay nasabi na sa kaniya ng mga kaibigan na siyang inayunan naman ni Dharel.Oo aaminin niya,kahit pano napanatag ang loob niya dahil sa mga nalaman.Lalo't higit sa kaalamang Mahal pala siya ni Sean noon pa.

Nasaktan siya ng labis dahil sa mga nangyari.At ang lalaking ito sa kaniyang harapan ang dahilan nito.Subalit unting napawi ang sakit na yun dahil sa mga nalaman.

Ngunit sapat bang marinig niya ang mga dahilang iyon mula lang sa mga taong nasangkot din lang sa gulo.Alam niya sa sariling hanggang sa mga oras na to hinihintay pa rin niya na sa mismong binata magmula ang mga paliwanag na nais niyang marinig.

At hindi niya ikakailang gusto niya ring marinig mula dito na mahal din siya nito.Bagama't nauna siyang nagpahiwatig sa binata ng tunay niyang nararamdaman para dito ay umaasa din siyang tulad ng nararamdaman niya ang nararamdaman din nito para sa kaniya.

Oo Mahal nga niya ang binata.Nakakahiya mang aminin na ang pinsan nitong si Dharel ay tila naging rebound lamang upang makalimutan pansamantala ang damdamin niya para sa lalaking ito.

"You already awake...nagugutom ka na ba?Anong gusto mong kainin for breakfast?ipagluluto Kita"untag ni Sean sa kaniya nang mapansing gising na siya.

"Ka-kahit ano lang,kung anong available sa kitchen mo."

"Okay sige,maghahanda lang ako...Tawagin na lang kita pag okay na..."

"Tulungan na kitang magprepare bawi man lang sa pang-aabala ko sayo kagabi..."Medyo nahihiya niyang tugon dito.

"S-sure sige...Sunod ka na lang"Anitong tumayo na at lumabas ng kwarto.

Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan ng tuluyang mawala sa paningin ang binata.

Tama ba ang ginagawa niyang ito ngayon.Panahon na nga ba talaga para kalimutan niya ang mga nangyari?At magsimula nang muli kasama ang lalaking ito ngayon.Ang lalaking noon pa man ay may malaking puwang na sa puso niya at ngayon niya lubusang nalaman sa sarili... na mahal na pala niya ito.

"I love you Sean...even if I didn't know how much, I mean to you still i'll take the risk..."may pinalidad na aniya sa sarili bago tumayo para sundan ang binata.

Naabutan niyang abala na ang binata sa kusina.Mataman niyang pinagmasdan ang kabuuan nito.At masasabi niyang napakalaki ng ipinagbago ng binata sa anyong pisikal nito.

Sa pangangatawan nito at sa gandang lalaki ay di maikakailang  maraming nagkakandarapang babae para lang mapansin ng tulad nito.At napakaraming beses na din niyang napatunayan Yun Lalo na sa mga araw na sinasadya niyang dalhin ito sa bar para pahirapan.

Subalit sa kahuli-hulihan siya ang nahirapan.

Bakit???

...dahil naiinis siya sa twing may lumalapit at nangungulit sa binata.Lalo na pag may lumilingkis sa mga bisig nito.At tila aliw na aliw pa ang lalaki habang siya ay gusto ng manabunot ng mga araw na Yun.

Oo nagseselos siya at naiinis din siya sa sarili ng mga panahong Yun.Dahil tila sarili niya ang pinahihirapan niya at hindi ito.

"Nariyan ka na pala...Sandali na lang ito..."napapitlag siya sa biglang harap nito.

"Pasensiya na ha...di na kita natulungan...mukang sanay na sanay ka sa mga gawaing bahay."

"Oo...mula ng makatapos ako ng hayskul,natuto na kong mamuhay na mag-isa.I lived alone to test my own capability so here I am now,kahit pano muka namang may magandang nangyari..."anitong medyo napatawa sa huling sinabi."but...there's one thing I regreted in my life,that's the time when I choose to left without saying goodbye---"dagdag nitong may lungkot sa mga mata ng tumingin sa kaniya"to you..."









Love Me Not Leave MeWhere stories live. Discover now