Chapter 38

2 0 0
                                    

Zhel Mhay POV

"Tama ba ang ginawa ko?"tanong niya sa sarili habang nakatanaw sa kawalan. Ilang araw narin ang lumipas mula ng magkaharap-harap silang lahat.

Dapat ba niyang ipagpatuloy ang kagustuhang makaganti sa taong naging puno't dulo ng lahat ng mga nangyari.Hindi pa ba sapat ang mga pagpapahirap niya dito.

Oo Tama kayo,sa mga araw na nagdaan di naging simple ang takbo ng buhay ni Sean.

At ngayon nga pakiramdam niya parang bumaliktad na Ang sitwasyon. Nakakaramdam siya ng awa sa binata sa twing nakikita niyang nahihirapan ito Lalo na pag nalalagay ito sa alanganing sitwasyon.Yung tipong kailangang siya ang dapat unahin nito kesa sa trabaho nito.

Pero pag naaalala niya naman ang mga nangyari nangingibabaw ang galit sa puso niya.Napakasakit para sa kaniya na malamang pinaglaruan lamang siya ng mga taong nasa paligid niya.At higit sa lahat di niya matanggap na sa ganitong sitwasyon muli niyang makikita Ang taong matagal na niyang gustong makita.

At ngayon ngang nagkaroon ng katuparan ang matagal na niyang kahilingan na muling makita niya ang lalaki.Naroon naman ngayon  ang pagsisisi na sana...di na Lang niya hiniling na muli pa itong makita.

Dahil ang makita ito ngayon ay ibayong sakit lamang at paghihirap ang namamayani sa kaniyang puso.Wala na ang dating pagkasabik sa tuwing siya'y humihiling na muling magsanga ang kanilang mga landas.

"Zhel Mhay,I'm sorry...I really,really do ..."napapitlag siya sa kinatatayuan ng may biglang nagsalita sa kaniyang likuran.At kahit di man niya ito lingunin ng mga sandaling iyon ay alam niya kung sino ang taong ito.

Naudlot ang balak niya sanang paglingon dito nang biglang may mga bisig na yumakap sa kaniya."I know that... I hurt you so much and... I don't even know how to lessen the pain that I'd give to you...Oo nagsinungaling ako pero lahat ng mga pinakita ko sayo noon hanggang ngayon...lahat ng yun totoo."

Bumuntong hininga ang dalaga saka unti-unting binaklas ang mga braso nitong nakayakap sa kaniya.Seryoso siyang humarap sa binata.

"And... do you even think na maniniwala pa ako sayo Dharel,ganun ba?huh?!!!Ang tagal nating nagsama at sa napakatagal na panahong Yun ni hindi mo man lang nakuhang ipagtapat sakin ang..."zhel mhay

"Dahil natakot Ako!!!natakot akong mawala ka sakin at layuan mo akong bigla at ngayon nga ito na .. nangyayari na nga Ang mga kinatatakutan ko."Dharel.

"At ano sa tingin mo ang gagawin ko pagkatapos ng lahat ng ito?Sa simula pa lang niloko mo na ako.Pinaniwala mo ako sa isang kasinungalingan sa loob ng mahabang panahon."zhel mhay.

"Maniwala ka man o hindi pero I tried...so how many times na sinusubukan Kong sabihin sayo ang totoo pero nauunahan ako ng takot na biglang lumulukob sa puso ko.Mahal kita Yun Ang totoo Kaya mas  pinili Kong ilihim na Lang din ang lahat.---"Dharel.

"Tama na Dharel...ayoko na...so please stop and respect my decision..."putol niya sa sasabihin pa nito.

Iniwan niya ang binatang napako na lang sa kinatatayuan.Dama niya ang paghihirap nito pero di niya pa rin magawang patawarin ito.Aaminin niya naging masaya siya nung mga panahong kasama niya ito subalit hindi iyon sapat na dahilan upang kalimutan na lang niya ng ganun kadali Ang mga nangyari.

Minahal niya ito bagamat di tulad ng pagmamahal niya noon Kay Sean.At hindi lingid iyon sa binata.Alam nito ang kwento ng kaniyang buhay kahit ang tungkol sa pinsan pa lang nitong si Sean ay nasabi niya rin dito noon.

At nito niya napag-isip isip na para pala siyang Tanga noon na nagkukwento ng tungkol sa Isang tao na may malaking kaugnayan dito.Kaya naman ipinangako niya sa sarili niya na hindi siya basta-basta na lang maniniwala kahit kanino.

Sa kabilang banda tahimik lang na nagmamasid at nakikinig si Sean sa Isang sulok ng naturang lugar.Nang marinig niya ang pamilyar na mga boses  na nag-uusap ay naisip niyang umalis na Lang at ipagpaliban ang hangaring makausap ng masinsinan ang dalaga.Subalit sa udyok ng kuryusidad ay minabuti niyang manatili at makinig sa usapan ng mga ito.

Nang marinig niya ang huling kataga na binitawan ng dalaga sa pinsan niyang si Dharel ay nakaramdam siya ng saya dahil sa kaalamang talagang tinapos na nga talaga ng dalaga ang relasyon nito sa lalaki.

Nang maramdamang may mga yabag na papalapit ay dali-dali siyang umalis sa kinatatayuan at tuluyang nilisan ang lugar.Umuwi siya ng kaniyang bahay at dumiretso sa counter upang uminom ng alak.

Dapat ba siyang magdiwang,gayong alam niyang nasasaktan pa rin hanggang ngayon ang babaeng minamahal nang dahil sa kaniya.

Mula ng unang araw na magkaharap silang muli ay di pa niya ito nakakausap ng ayos.Sa tuwing magkasama sila ay tila ba di nito napapansin ang kaniyang presensiya.Nagmimistulan siyang body guard na nakasunod at nakabuntot sa mga lakad nito.

At kadalasang di niya maiwasang makaramdam ng sakit sa tuwing ipinakikita ng dalaga na wala siyang halaga para dito.Ni hindi man lang niya ito makitaan ni katiting na selos sa tuwing may mga babaeng umaaligid at pilit lumalapit sa kaniya.

Oo alam niya hindi dapat siya mag-expect ng kung ano mula rito dahil siya ang unang nanakit sa dalaga.At ipinapangako niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat upang makuhang muli ang loob ng dalaga.Mahal na mahal niya ito kaya hindi siya susuko na lang basta sa mga pangit na pinapakita nito.

Titiisin niyang lahat hanggang sa dumating ang araw na mapawi na niyang tuluyan, ang sakit na idinulot niya dito........







Love Me Not Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon