Chapter 10

7 0 0
                                    

Sean's POV

Pagkatapos kumain,tumambay na kami dito sa loob ng gym,nanonood ng mga naglalaro.Libang na libang ang mga kasama ko dahil dito daw pala ang tambayan ng karamihan sa mga naggagandahang chicks ng campus.

Ano pa nga bang aasahan ko sa mga kasama kong to eh puro mga dakilang babaero.Buti na lang at di pa ako nahahawa,haha.

Napadako ang tingin ko s dulong bahagi ng bench na katapatan lang ng inuupuan namin.Napansin kong dun din halos lahat nakatingin tong mga kasama ko.

Mga nakangiti lalo na si Jeric,eh kaya naman pala,naroon at kasama sa grupo ng mga babaeng nandun ang girlfriend nitong si Tintin na taga dun lang din sa amin,magka-barangay kami kaya kilala ko yung syota  nito ng lokong to.

Kasama din pala sa grupo yung babaeng kasama ng babaeng nakabanggaan ko dati.Let me clarify sinadya ko talagang banggain yung babae,bkit?malalaman niyo din.

Napangiti ako ng maalala ang babae,mataray tsaka mukhang palaban...

Bagay na napansin ko sa kanya at the same time nagustuhan ko.

Bakit kaya di nila kasama si Ms.Sungit?Alam ko na hanapin ko na lang kaya siya,kunwari kukunin ko yung panyo ko...

Aist!!! ano ba yan,parang ang lame naman ng reason ko kung yun ang sasabihin ko para lang makilala siya...

Aist! Bahala na nga!!!

Tatayo na sana ako pero naudlot ng dahil sa sinabi ng katabi kong si Mark.

"Tol,di ba yun si Ms.Sungit yung nakabanggaan mo nung nakaraan?"wika niya habang nakanguso sa bungad ng gym.

Lahat kami napatingin sa direksyong tinutukoy niya.Napangiti ako dahil di ko na pala kailangan pang hanapin siya.Dahil kusa na siyang pinapakita ng tadhana sakin.

Di ko inaalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa makalapit siya sa grupo ng mga babaeng tampulan ng tingin ng halos lahat ng mga kalalakihan na naroon sa loob ng gym lalo na tong mga kasama ko.

"Langya!tol ang bibig baka mapunit! Ngiting-ngiti eh,ano? tinamaan na ba ni kupido yan?!"tudyo ni Troy na tinuturo pa ang tapat ng dibdib ko.

"End of the world na mga tol!!!in-love na ata ang loko,haha! Langya kulang na lang tumulo ang laway mo pre,haha!!!"isa pa tong lokong Xander na to.

"Naku tol!ingat ka diyan sa kasungitan niyan ewan ko lang kung umubra ka..."may himig paalalang wika ni Jeric.

"Haha,tol Jeric nasampulan ka na ba?!anong pakiramdam?"sabat ng lokong si Troy at nagtawanan sila sa sinabi nito.

Love Me Not Leave MeWhere stories live. Discover now