Chapter 5

5 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga oras at ilang araw na din ang nagdaan.Sa mga araw na yun ay laging bigo akong umuuwi ng bahay dahil ni anino ng lalaking nagmamay-ari ng scarf ay diko nakita.

Nakagawian ko nang hanapin ang lalaki sa araw-araw na pagpasok sa school.

Kaya naman pati sa kaibigan kong si nice na lagi ko din namang kasama ay nakisuyo na rin akong tulungan niya sa paghahanap sa lalaking yun na napakailap.

Ewan ko ba,di kasi ako makatiis na di naibabalik ang panyo dun sa lalaki.And on the other side may part na gusto ko ulit siyang makita.

Kung bakit?dahil gusto ko nga siya diba inamin ko naman na noon pa pero diko muna sinasabi kay nice at dun sa dalawang bff ko kasi uulanin lang ako ng tukso ni nice lalo na yung dalawang yun ni annie at luz.Kabisadong-kabisado ko na kasi ang ugali ng mga kaibigan Kong yun.

"Zhell pumapasok pa ba yun si Mr.S ?" tukoy ni nice dun sa lalaki,habang inililibot pa rin ang paningin sa paligid.

"Ewan ko,tanda mo ba yung mukha nung mga kasama niya?" Tanong ko sa kanya.

Sabay kaming naglalakad pabalik na sa room namin.Galing kaming gym at dun nagbakasakali na makita ang hinahanap.

"Hindi masyado eh,yung lalaki lang na nakabungguan mo ang tanda ko kasi naman kung makatingin sayo kulang na lang iuwi ka." sagot niya sakin.

"Alive na alive ka pala nun at nakuha mo pang mag-observe kala ko kasi nakalunok ka ng sampung bubble gum at out of the world ka that time hindi naman pala."pang-asar ko sa kanya.

"Tsk,nagsalita ang hindi eh kung di ka pa nga nabunggo nung destiny mo di ka pa magigising sa panaginip mo." tudyo niya rin sakin at may nalalaman pang destiny to.

"Dami mo talagang alam kahit kelan,nakabungguan lang destiny na kagad di pwedeng accidentally lang..."

Love Me Not Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon