Chapter 42

2 0 0
                                    

"Glad to see you again Zhel Mhay"

"D--dharel?!"namamanghang sambit niya sa pangalan ng lalaki.Hindi niya akalaing makikita niya itong muli ngayon.Muli niyang nilinga ang lugar kung saan niya nakita ang nobyong si Sean.

"Asan na kaya siya?tsaka sino kaya Yung babaeng yun,na parang linta kung makalingkis sa boyfriend ko???"

"Hinahanap mo siguro si Josh?Am I right???"Tanong ni Dharel ng mapansing di siya mapakali at tila wala sa sarili.

"A-ahhh,o-oo eh...nakita ko na siya kanina kaso biglang nawala."Medyo may pagkautal pang sagot niya sa dating nobyo.

"Sobrang dami ng tao sa loob kaya sigurado akong busy Yun sa pag-iistima ng mga bisita.Nauna na sila Annie at Luz sa loob kasama yung mga Loko"nakangiting wika nito sa kaniya na tila nais nitong maalis kung anuman ang tumatakbo sa isipin niya ng mga oras na yun.

Mga ngiting noon ay talaga namang nagpapagaan sa loob niya.Mga ngiting noon ay nagpahulog ng loob niya para  sa binatang kaharap.

"Shall we?"malumanay nitong tanong sabay muwestra  ng mga braso nito sa kaniya,tanda ng pag-alalay nito sa kaniya papasok sa loob ng bahay.

Nakangiti naman niyang tinanggap ang alok nito.Pagpasok nila sa loob lalong nalula ang dalaga sa kagandahan ng ayos ng lugar.Halos lahat ng mga taong naroon ay natuon ang pansin sa kanilang pagpasok.

"Wala pa ring nagbago zhel mhay,kada pupunta ka sa mga okasyong tulad nito.You never failed to amuse everyone."sambit ng binata ng mapansing sa kanila nabaling ang atensiyon ng mga taong naroon.

"Bakit mo naman nasabi yan?"pabulong namang sagot ni zhel mhay.

"Look,halos lahat nasa iyo ang atensiyon..."Namamanghang wika nito.

"Your wrong,hindi ako ang tinitingnan nila noh...look eh halos lahat babae ang nakatingin.They almost drooling at your handsomeness..."Pasubali niya naman sa sinabi ng binata,na talaga namang totoo dahil halata sa iba na talaga namang kinikilig pa habang nakatitig dito at nakikipagbulungan sa mga katabi.

"Before I forgot...you look great zhel mhay...Your beauty stand out today"Puri nito sa kaniya ng makarating sila sa mesang nakalaan para sa kanila ng kaniyang mga kaibigan.

"Ngayon lang???"Ani ni zhel mhay na may himig pagbibiro sa binata habang malawak ang pagkakangiti dito.

"Ahh---hmmm..."Pagkuha ni Sean ng atensiyon nilang dalawa...Sa sobra nilang nalibang sa pag-uusap di nila napansin na dumating ang binata.Ni hindi nila napansin kung saan ito nanggaling.

"Hey!!!bro,ikaw pala..kumusta?"bati ni Dharel dito.

"Eto gwapo pa rin bro.."makulit na sagot nito sa pinsan

"Hon, sorry kung ngayon ko lang kayo naharap ha.Sobrang busy Kasi kanina.Itong ugok pa tuloy ang naunang nakasilay sa kagandahan mo ngayong araw... You're absolutely pretty Mahal ko"papuri at paghingi nito ng pasensiya sa dalaga.

"Okay lang hon,don't worry about it okay..."zhel mhay.

"Kaya naman lalo kitang minamahal eh, iloveyou hon always and forever..."seryoso at puno ng pagmamahal ang mga salitang binitawan nito sa nobya.Sabay yakap nito sa dalaga na tila di alintana ang mga taong sa mga sandaling yun ay nasa kanilang dalawa na ang atensiyon.

Halos lahat ay nasisiyahan sa tanawing nasisilayan maliban sa isang tao na nagpupuyos sa galit at selos ng mga sandaling yun.

"Ikaw pala ang babaeng kinababaliwan ng dalawang magpinsan.Pwes..I won't allow you na tuluyan mong maagaw sakin si Sean...Akin lang siya at gagawin ko ang lahat para mapasakin siya..."
Sambit nito sa sarili habang matalim ang mga tinging nakatingin sa dalawa partikular na sa dalagang yakap ng binata.

Inayos nito ang sarili bago lumapit sa kasiyahan.

"Hey! Josh nandito ka lang pala.Kanina pa kitang hinahanap,nakakainis ka."maarteng wika ng babae ng makalapit sa kinaroroonan ng binata.

"Ohh...may kasama ka pala...hi I'm Jelly childhood sweetheart ni Sean----"pakilala nito sa sarili "---este childhood friend pala..sorry I'm just kidding,don't mind it okay. hahaha"pagbawi nito ng mapansing natigilan ang mga taong malapit lang sa kanila.

Hindi kagad nakaimik si zhel mhay sa tinuran ng babaeng kaharap na bigla na lang sumulpot sa kung saan.At natatandaan niya ang mukha ng babaeng kaharap ngayon ito yung babaeng nakita niya kanina na kala mo sawa kung makalingkis sa asawa niya este boyfriend pa lang pala.

"Ohhh!!!ikaw pala si jelly...bagay sayo ang pangalan mo"nakangiti namang bati niya(zhel mhay) dito.

"Wow,talaga thank you"tugon nito sa akalang papuri mula sa dalaga.

"Para ka kasing jelly ang lagkit kung makatingin at makadikit sa boyfriend ko..."dagdag ni zhel mhay sa binitawang salita sa kaharap.

Pinipigil naman ng mga kaibigan ng dalaga na naroon ang napatawa sa sinabi ng kaibigan nila.Alam kasi ng mga ito na hindi basta-basta ang kaibigan nilang ito.Tahimik ito pero palaban...

"Oooppsss...sorreyyy I'm just kidding..."muling sambit ni zhel mhay na may malawak na ngiti sa mga labi.Hindi naman kagad nakaimik si jelly.Di niya akalaing palaban din pala ang kaharap.At mukhang malakas Ang pakiramdam nito.

"Guys tara na kumain na muna tayo...parang nakakagutom na Kasi ang atmosphere dito..."Yaya ni Denver sa mga kasama upang maputol ang papainit na harapan ng dalawang babae.

"Oo nga,gutom na din ako eh .. sweetheart anong gusto mong kainin ikukuha na Kita .."segunda naman ni E-jay dito,na may kasama pang pagkindat Kay Annie.

"Sweetheart ka diyan,gago!!!Ako ang kukuha ng pagkain ng my loves ko."bwelta naman dito ni Denver na ikinatawa ng Ilan,na siyang dahilan upang maibsan ang apoy na nagsisimula pa lang lumiyab.

Love Me Not Leave MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin