Chapter 2

5 0 0
                                    

Buti na lang at kakaunti ang tao sa canteen kaya naman mabilis lang kaming nakabili ng maiinom ni nice.

Nakita pa namin yung magdyowa na Tin at Jeric.Di namin alam kung nagdadate ba sila o nagmamatakaw lang.Lakas pa maka PDA,holding hands sa canteen buti nakakakain pa ng ayos ang dalawang yun.

Sa totoo lang close naman talaga kaming tatlo nina tin,diko lang talaga gusto yung awra ng bf niya muka kasing babaero.Pero sabi nila mukhang nagbago naman na daw,ewan lang ha,pero sana nga totoo kungdi bibigwasan ko talaga siya pag pinaiyak niya yung friend ko.

Tapang ko no?pero biro lang yung bibigwasan ko churba na yun,sa tangkad ng bf ni tin at lalaki pa rin yun noh wala kong laban dun,wala pa namang magtatanggol saken pag pinatulan ako.Haha.

NAglalakad na kami pabalik ni nice sa room namin,walang umiimik samin.Tahimik lang kaming dalawa,siguro parehas lang kami ng iniisip nito.Tulad ko din kasi may pagkadisgusto din siya kay jeric pero wala kaming magagawa mahal daw ni Tin,eh di go.

Kaibigan namin siya kaya susuportahan na lang namin siya.Wag lang talagang magkakamali yang jeric na yan at talagang naku!!!

Kung anu-ano ang iniisip ko kaya naman...

Bogsh!!!

"Shit!"napamura tuloy ako ng dis oras,pano ba naman may kung sinong poncio pilato ang bumunggo sakin.

Bulag ba siya? at di niya ko nakita and take note ang luwang kaya ng daan...

"Ok ka lang miss?Sorry ha di ko sinasadya" wika ng lalaking nakabangga saken.At may gana pa talagang magtanong kung ok lang ako.

Diko alam ang gagawin ko,pano natapunan lang naman ako ng binili kong inumin.Buti na lang at hindi sa damit ko tumama sa braso ko lang.Aist badtrip naman oh,ang lagkit.Di daw sinasadya eh obvious namang sinadya.

"Syete naman oh,bakit ba naman kasi dika tumiti----"and yes naputol po ang pagtataray ko sana.Pano ba naman pagtunghay ko isang nakangiting anghel este lalaki pala ang nag-aabot ng black scarf ang nabungaran ko.

Aaminin ko napatanga talaga ako dun,speechless bigla ang ate niyo.Ang gwapo ba naman ng kaharap ko.

"Shocks zhell mhay maghunos-dili ka nga nakakahiya ka sa ginagawa mo" sita ko sa sarili ko.

"Nice may extra ka bang panyo dyan o kaya tisue naiwan ko kasi sa desk ko yung sakin eh" baling ko kay nice na di pinapansin yung lalaki kong kaharap pangbawi man lang sa nakakahiyang akto ko kanina.

Eto namang kasama ko napasobra ata ang tahimik umiling lang ni hindi man lang umimik,daig pang naengkanto.

NAgulat na lang ako ng may humawak sa isang kamay ko.May malambot na bagay akong nahawakan,pagtingin ko yun pala yung panyo ng lalaking nakabangga saken.

Love Me Not Leave MeWhere stories live. Discover now