Chapter 25

1 0 0
                                    

"T-talaga?totoo ba yan zhel,sinasagot mo na ko.Di nga,tayo na?!"di makapaniwalang anas ni Dharel na bahagya pang napahinto sa kanilang pagsasayaw.

"O-oo nga,bakit gusto mo bang bawiin ko pa?!"may himig birong sagot naman niya dito.

"Yes!yes!yes!sa wakas,wala ng bawian ha?!"anitong ngiting-ngiti sa kanya at tuluyan na ngang napatigil sa pagsasayaw at tuwang-tuwang isinigaw sa lahat ang magandang regalong natanggap mula sa dalaga.Ang matamis nitong "OO" na matagal din niyang hinintay.

Tuwang-tuwa din naman ang lahat lalo na ang mga taong naging saksi sa matiyagang panunuyo nito sa dalaga.

"Zhel pangako mamahalin kita at di kita sasaktan.Mahal na mahal kita..."anas ni Dharel habang matamang nakatitig sa kanya.

Isang yakap ang isinagot niya sa binata na tinugon din naman agad nito.

*****

"Umaariba ang love life bhez ha,ang swerte naman ni Dharel at siya ang unang nakabingwit sa puso mong naliligaw sa kalawakan ng karagatan..."wika ni luz ng makita ang ginawang gesture ng lalaki ng mapadako ang kanyang paningin dito.

Kasalukuyan silang nakaupo sa may pangpang habang hinahayaang hinahampas ng mga alon ang kanilang mga binti.

Napagkasunduan kasi nilang magbakasyon muna bago sumabak sa panibagong yugto muli ng kanilang mga buhay.

At ngayon nga nandito sila sa ipinagmamalaking beach resort ng mga taga San Jose ang Aroma Beach Resort...dito nila unang napili na magsaya at magrelax.

"Bhez hindi si Dharel ang maswerte kundi ako."wika naman niya na mataman pang pinagmasdan ang kinaroroonan ng nobyo.

Abala ito sa pag-iihaw ng kung ano kasama ang kapatid niyang si rinard na mas busy pa sa pakikipagharutan sa nobyang si Gie Anne,at ang mga lalaki sa buhay ng dalawa niyang maliligalig na kaibigan.

"Hmmmm if that so...then tell us why mo nasabi yan?"tanong ni Annie na umiiral na naman ang pagka conyo na siyang tinatawanan agad ni Luz.

"Hoy bhez umayos ka,di natin kaharap ngayon yung dalawang panggulo sa buhay mo kaya stop acting like that mamaya ka na mag-inarte baka maubusan ka pa ng dialogue niyan..."natatawang wika ni Luz dito.

"Oo nga pala,speaking of akting-aktingan na yan.Bakit mo ba ginagawa yan bhez A,look di bagay sayo para kang Ewan haha.Tsaka kelan ka pa napasama sa drama club aber?at di ako na inform!"aniya na naging dahilan para magkatinginan ang dalawa ni Annie at Luz.

"Ahh di niyo ko sasagutin?ok sige dun ko na lang sa dalawa itatanong.Si Denver at ejay nga yun di ba?"wika pa niya na nakatingin sa kinaroroonan ng dalawang lalaking tinutukoy niya.

Napanganga naman ang dalawa ng makita kung san siya nakatingin.Akmang tatayo na siya ng panabay pang tinawag ng mga ito ang pangalan niya with matching paawa epek.

"Ok...madali naman akong kausap."aniya sabay ayos ng upo paharap sa dalawang kaibigan."kwento na..."baling niya sa dalawa na nagtuturuan pa kung sino ang magsasalita.

Love Me Not Leave MeWhere stories live. Discover now