VANDALISM ♥ or ★ -- (on-going na short story)

316 9 6
                                    

hello ate! :)) eto po ung is sa mga sinasabi ko sa inyong stories ko na naikwento sa inyo ni kuya. :))

wag po kayong magsasawang magbasa ng stories ko... :))

SALAMAT PO! :))

at sa iba pong makakabasa nito kung meron man... salamat din po.

WRITTEN BY: flyleaf07

All rights reserved.©

Just a figment of the author's imagination dahil sa na-bored sya sa pagrereview nung minsang may exam sila sa English... February 12, 2012...

"Boredom~"

Yan agad ang nabasa ko pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa 'king usual seat every English Literature class. Paanong hindi ko mapapansin eh ang linis-linis kaya nitong desk ko...BEFORE! ang kaso, isang hudas barabas na kampon ni satanas ang pangahas na sumira sa kalinisan ng desk ko!

Ayan tuloy, andumi na. May vandal na kasi! At dahil sa inis ko, hindi ko na napigilan ang nagpupuyos na galit na syang dumadaloy sa mga ugat ng aking mga daliri...

Kumuha agad ako ng ballpen... At nagsulat sa ilalim nung "Boredom~". Wala na rin naman. MAy vandal na, what more to lose di ba?

My message goes like this...

"Kung bored ka, wag mong idamay ang desk ko!!!"

At pagkatapos ay itinago ko na ang ballpen ko na mayroon nang malaking kasalanan...

Ang Vandalism.

*******

"Oh! Hello din! :))"

Yan ang bagong sinulat nung hudas barabas na kampon ni Satanas na pangahas na kay sarap ipatuklaw sa ahas at lagyan sa puwet ng ubas, at ako'y tatawa ng wagas hanggang sa ako'y mautas sa itsura nyang bulok na patatas!!! Teka nga, parang wala namang sense ung sinabi ko. Ok~ balik na nga lang ako dito sa bago nyang vandal.

At muli, sinagot ko ung sulat nya...

"Hoy! Ikaw patatas na may kulangot na kasing laki ng ubas! Tigilan mo ang desk ko! At pwede ba hindi ako nag-HELLO nuh. Duh~"

Pagkatapos kong isulat yung message ko, sakto namang nagring ung bell at syang dating din nung prof namin.

*******

A/N: please po wag nyo po muna 'to iwan... may mga kasunod pa naman po eh. :))

nga po pala... ito ay side story nung pangalwa kong story na hindi ko pa mai-upload sa kadahilanang mas nauna pa 'tong matapos kaya ito na ang inuna kong i-upload. :))

thanks. :))

VANDALISM ♥ or ★ -- (COMPLETED)Where stories live. Discover now