Last Vandal

76 4 2
                                    

wiee~ 

ito na! ito na!!! TAPOS NA!!! last chap na! :))

salamat sa mga nagbasa. SALAMAT! :))

hmm... kung ano man po ang maging ending sana po ay magustuhan nyo... kung hindi naman po, feel free to tell me what's on your mind. :))

"I LOVE YOU."

Limang buwan na rin ang lumipas mula nung 'confession' sa akin ni John at may tatlong buwan na rin mula nung simulan nya ang kanyang 'way of showing his love'. Mejo distansya muna kami nung mga unang buwan ii, dahil nga sa mainit pa ung issue tungkol sa break-up namin ni Dave, since sikat si Dave sa school. Tsaka halata namang bitter pa si Dave nung mga panahong un dahil todo iwas sya sa 'kin at kay John. Tsaka sabi din sa akin ni John, he should give me time for me to realize na hindi na rebound ang magiging labas nya. At ngayon nga, alam kong hindi na rebound si John, dahil ...

"I LOVE YOU. <3"

Pagkasulat ko nyan, may naramdaman akong presensya ng isang tao sa likod ko, kaya naman nilingon ko agad.

Nung makita ko na kung sino ung nasa likod ko, nasabi ko na lang sa sarili ko, sana pala hindi na ako lumingon. Namilog talaga ang mga mata ko sa gulat, dahil ang nasa likod ko lang naman ay ...

Ung ... PROF namin!!! Lagot na! Nahuli nya akong nagvandal! Alam ko na ang kalalagyan ko neto. WAAAAH!!!

*******

A/N: hmm. bago ang lahat, san kaya siya mapupunta?? hmmm....

******* 

"BAKIT KA NANDITO?!"

Sigaw naming dalwa ni John sa isa't sa habang nagtuturuan. Pagpasok ko kasi sa detention room, si John agad ang nakita ko. I was surprised dahil sakto namang may detention din ako. Umupo ako sa tabi nya at tinanong ko sya kung bakit sya may detention. Ang sabi nya, "Nahuli akong magvandal kahapon eh. Tapos sabi sa 'kin ni ma'am ngayon nya na lang daw ako bibigyan ng detention dahil may aasikasuhin daw syang importante kahapon. And the rest is history. Haay!" Aba! At pareho pa pala kami. Napatawa naman ako ng bahagya sa nalaman ko. HAHA!! "Pahamak na 'I LOVE YOU' yan. Naisulat pa eh." Bulong nya pero narinig ko naman. Babatukan ko na sana sya ii, pero nagsalita yung in-charge na magbantay sa amin.

"Since mukhang hindi naman uubra sa inyo ang simpleng detention lang, I think I should give you a harder punishment. Sumunod kayo sa 'kin."

At kami naman ni John eh wala nang nagawa at sumunod na. Dinala kami ni Ma'am Andrada sa working area/room ng Fine Arts Major. Ano naman kayang gagawin namin dito?

Maya-maya pa, dumating ung 3 sa mga janitor ng school at inutusan ni ma'am na ...

EWAN! Hindi ko na narinig ii. Basta inutusan nya ... TAPOS!

Habang kaming dalwa namn ni John eh tahimik lang. Hindi muna kami nagkikibuan at baka mapagalitan pa kami at baka may ipagawa pa sa 'ming mas mabigat na punishment itong si ma'am.

After 30 mins or so, ung 10 janitor na ng school ang pumunta ng working room habang may bitbit na mga ...

DESKS?!

Shockingness! Mukhang alam ko na 'to ah!

"Ok! Kayong dalwa, since both of you were caught in the act of writing vandals on your desks, you should receive its counterpart punishment. Pipinturahan nyo ang 10 desks na 'to at pag balik ko dapat tapos na kayo."

and with that she stormed out of the room, leaving us with 10 dirty chairs.

"Tara simulan na natin 'to." aya ko kay John at ayun na nga, nagpintura na kami.

Buti na lang pala at hindi kami naka-uniform ngayon.

Habang pinipinturahan ko ung last desk na share ko dun sa hatian namin, bigla namang nagsalita si John ...

"Ui, Eunice! May dumi ka." 

"Huh? San?" medyo malayo nga pala sya sa 'kin. 

"Dito oh." turo nya sa left cheek nya to signal me kung nasaan. Pinunasan ko naman kaso sabi nya....

"Hindi jan! Dito nga oh." sabay turo na naman sa cheek nya. Ako namang si utu-uto, punas na naman.

"San ba?? Wala naman ata ii." sabi ko, dahil feeling ko wala naman talaga. Baka tinitrip na naman ako ng isang 'to.

"Ako na nga magtatanggal." Tapos lumapit sya sa 'kin.

"Ayan nga sabi oh." sabay turo nya sa mukha ko, tiningnan ko naman sya ng masama dahil baka naman niloloko nya lang ako.

"Ayan! Tatanggalin ko ah." sabi nya sabay ngiti pa nya.

at biglang bigla ...

Hinawakan nya ang likod ng ulo ko ...

at ...

namilog ang mata ko when ...

HIS LIPS MET MINE.

*******

/end/

a/n: wew~ sa wakas, tapos na po sya. sa wakas at sinipag na ulit akong magtype. haha!! actually matagal na pong tapos 'to eh. kung hindi ako nagkakamali last year ko pa 'to nasulat ii. kaso un nga, tamad magtype. xDD so ... ahm... thank you po sa mga bumasa neto. kahit na napadaan lang po kayo, ok na po sa 'kin, ang importante nabigyang panahon nyo pa rin pong silipin ang story ko. :))

maraming maraming salamat po dun sa mga nag-vote at ilang mga nagcocomment. :)) 

my next story will be posted soon, if ever pong sisipagin ako. :)) 

hmm... special thanks nga po pala kila @MANM_25, @pen-and-paper-girl, at syempre dun po sa friend ni kuya, sila po ung mga taong napakababait po sa 'kin. :))

so ... 'til next time. Thanks to those few supporters of mine. GOD bless! :))

*******

-flyleaf07.

VANDALISM ♥ or ★ -- (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن