vandal V

81 5 0
                                    

psst~ eto na ung sinasabi ko sa 'yong ide-dedic ko sayo. :)) dedic ko pa rin kahit na nabasa mo na, since sabi mo nga baka limot mo na rin. :)) hmm... favor naman teh, gawa mo 'kong cover at isip mo na rin ako ng character. :)) SALAMAT!! :))

enjoy~

"Happy First Anniversary, YUYU BABE!"

Pagkapasok ko ng room, yan agad ang tumambad sa 'kin. Isang malaking tarpaulin na hawak ng dalwa kong kaklase. Nagulat na lang ako ng biglang lumabas sa likod nung tarp...

Si Dave while holding a tulip. My favorite.

Napatakip na lang ako sa bibig ko. 

Naiiyak ako na natutuwa na kinikilig and at the same time...

Nagi-guilty.

Nagi-guilty ako dahil sa lumipas na dalwang buwan, 'yung "kausap" ko sa desk ang lagi kong naiisip at ...

Hindi sya...

Yung possibility na makikilala ko ung "kausap" ko sa desk at hindi ang okasyong ito.

Ang sama 'ko!

Si Dave...

Napaghandaan nya ang anniv namin.

Ako?? 

Eto... Masyadong occupied dun sa vandalism na un at ni hindi man lang sumagi sa isip ko ang araw na 'to.

Wala akong kwentang girlfriend... Alam ko yun!

It has been a year since the day na sinagot ko with all my heart ang taong nasa harap ko ngayon. Within that year na pinagsamahan namin, naramdaman ko...

Naramdaman ko ang pagmamahal at paggalang nya sa 'kin. At alam ko sa sarili ko na naipadama ko rin naman sa kanya kung gaano ko syang kamahal. 

Pero... Bakit ganto ako?? Feeling ko hindi na buo ung pagmamahal ko...

Feeling ko...

Nabawasan na??

Naalala ko tuloy bigla yung sinabi sa 'kin minsan ng isa kong kaibigan...

"Ang love hindi yan nababawasan. Once na maramdaman mong parang nababawasan na... Parang unti-unti hindi mo na mahawakan... Parang pakiramdam mo... Iba na eh... Parang masasabi mo na lang mahal ko pa ba sya? ... Aba! Mag-isip ka ulit. Kasi baka nawala na talaga. Gets mo ba 'ko?"

Ibig sabihin ba...

Nawala na? 

Wala na yung love? 

Parang OA naman ata sa bilis?? 

Yung love na dati ko nang ipinaubaya at inialay kay Dave?? Pero bakit naman???

Dave is PERFECT! 

Ako...

Ako ang mali dito eh. Kahit kasi ilang beses kong pigilan, yung vandal at yung taong behind those vandals pa rin ang naiisip ko.

Dalwang buwan na... 

Dalwang buwan nang tapos ang conversation na un. 

Dapat na 'kong magfocus kay Dave.

Eunice... 

Gumising ka na!!!

"Happy happy happy FIRST anniversary, Dei Dei love!"

Then I hugged him... Tight! Kailangan kong bumawi. Kailangan kong punan yung dalwang buwan na sinayang ko. Kailangan kong ibalik yung pagmamahal na sa tingin ko ay nawala. At napagdesisyunan ko na...

VANDALISM ♥ or ★ -- (COMPLETED)Where stories live. Discover now