CHAPTER TWENTY-NINE:

13.9K 286 8
                                    

SIGN IN: MS. ACE

YES!! FINALLY!! Nagawa na ang laptop ko. Mapapadali na ang trabaho at pagsusulat ko. Hohoho lagi kong sinasabi na busy ako kapag hindi ako nakakapag-UD agad pero hindi ko naman sinasabi kung anong pinagkakaabalahan ko.

Hohoho I'm not a student anymore tapos ko na ang stage na un hahaha pero bata pa ako. Bale, I'm a freelance writer kaya may iba pa akong isinusulat bukod sa TVG. Hohoho di lang halata pero bz po talaga ako :p

Love lots <3

******************************************************************************

CHAPTER TWENTY-NINE:

Hindi na ako makahinga ng maayos sa higpit ng pagkakasakal sakin ni David. Ngunit pinilit ko pa ding uliting itanong ang itinanong ko sa kanya kanina.

"S-Sino si Josephine?" Muling tanong ko sapagkat naglalabas ng ibang emosyon ang mga mata ni David.

Eto na naman. Natigilan na naman sya at nagkaroon na naman ng emosyon sa mata nya ngunit mabilis lang din iyong napalitan ng galit.

"Si Josephine..ang tanging taong..nagpapanatili ng katinuan sa isipan ko! Pero dahil sa palaluan ng mga tao, nawala sya sakin! Pahihirapan ko ang mga tao! Pahihirapan ko silang lahat!" Nanlilisik ang kanyang mga mata dahil sa sobrang galit

Isang tao si Josephine?

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit may nakita akong sakit at pangungulila sa kanyang mga mata sa tuwing mababanggit nya ang pangalan ng babaeng yun. Sapagkat isang napakaespesyal na babae si Josephine sa buhay ni David. Isang babaeng may kakayahang paamuhin ang isang mabangis na nilalang ngunit naging biktima ng mga hindi magandang pagkakataon.

Gusto kong kaawaan si David dahil sa mga hirap at pasakit na dinanas nya sa napakahabang panahon ngunit hindi sapat na dahilan yun para gawin nya ang lahat ng kaguluhan at pasakit na ipinararanas nya sa lahat.

Konti pa at tuluyan na akong mawawalan ng hininga sa higpit ng pagkakasakal nya sakin, konti na lang din at pakiramdam ko ay mapuputol na ang ulo ko. Kailangan ko ng gumawa ng paraan para makawala sa pagkakasakal nya. Inilagay ko ang pwersa ko sa mga binti ko at buong lakas syang sinipa sa kanyang tyan kaya kaagad syang napalayo sakin at tumalsik sya sa isang haligi at kaagad itong natumba kaya muli na namang nayanig ang buong silid na kinaroroonan naming dalawa.

Napadalahik ako ng ubo dahil sa pagdagsa ng hangin sa katawan ko kasabay ng paghawak ko sa leeg ko. Kung pangkaraniwan lang akong tao, siguradong sa mga oras na ito ay matagal ng naputol at gumugulong ang ulo ko sa sahig.

"Hindi ko man alam kung anong pinangdaanan mo sa nakalipas na panahon o yung pinagdaanan nyong dalawa pero hindi sapat yun para gumawa ka ng masama at pahirapan ang mga tao!" Nahihirapang usal ko habang hawak ko pa din ang leeg ko.

"Masama ang mga tao! Dapat lang sa kanila na pahirapan!" Galit na sigaw nya.

"Hindi lahat ng tao masama! Ikaw ang higit na dapat nakakaalam ng bagay yun sapagkat nagmula ka sa pagiging isang tao, si Cassandra at Josephine ay isa ring tao! Hindi mo dapat isisi sa lahat ang pagkakamali ng iilan! Matalino ka kaya dapat alam mo ang bagay na yun!" Kontra ko sa sinabi nya

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now