CHAPTER TWENTY-TWO:

13.6K 279 6
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

Hoo! Grabe ka mareng GLENDA! Pinahirapan mo ako!

Dahil sayo napilitan akong gumamit ng ballpen at papel maisulat lang ang chapter na ito. Hahaha tamad pa naman akong magsulat gamit ang papel at ballpen dahil madalas akong napapatunganga hahaha LOL XD

Grabe! Yung feeling na walang ilaw, t.v, radio, laptop, cellphone, electric fan, aircon, appliances at gadgets dahil walang kuryente dahil nagkaroon ng malawakang pagkaputol ng daloy ng kuryente.

Spell boring. A-C-E, yun ako ng 5 days!

Hahaha ok tama na ang sentemyento. Ito na poh ang chapter 22 a:)

**************************

CHAPTER TWENTY-TWO:

Naaaliw na pinagmamasdan ko ang nahihimbing sa pagtulog ang batang tinulungan namin habang hinahaplos ko ang kanyang buhok. Dinampian ko ng magaang halik ang noo nya dahil sa pagkaaliw ko sa kanya. Napakahimbing ng pagtulog nya na parang walang inaalala kabaliktaran ng nakita ko sa mga mata nya noon. Pinanlalamigan talaga ako kapag naaalala ko kung gaano kawala ng buhay ang mga mata niyang iyon.

Kamatayan

Iyon na lang ang tanging hinihintay nya ng mga sandaling iyon. Sa murang edad, alam na kaagad nya ang salitang kamatayan at ang kahulugan non samantalang kung tutuusin dapat kasiyahan ng buhay pa lang ang nasa kanyang isipan.

"Napakagwapo nyang bata, di ba?" Naaaliw na wika ni Summer

Lahat kaming mga babae ay nandito sa kwarto namin ni Austin. Dito ko nilipat yung batang lalaki pagkatapos kong sabihin kay mama ang plano ko. Samantalang naiwan naman sa sala ang mga lalaki.

"Sa paglaki nya, sigurado akong maraming mga babae ang magkakagusto sa kanya!" Segunda ni Eve

"Alam mo Light, natutuwa talaga kami sa desisyon mong ampunin ang batang ito. Sa wakas, magkakaroon na rin ng bata dito sa bahay" natutuwang segunda din ni Star na nakaupo sa kabilang bahagi ng kama

Hindi nakakapagtaka na maaliw din sila sa batang ito sapagkat silang tatlo ay hindi pwedeng magkaroon ng anak. Oo nga at pureblood vampire sila pero mga converted vampire naman ang mga kapareha nila, ibig sabihin kahit na ilang beses silang magtalik, hindi pa rin sila magkakaroon ng anak. Ang mga pureblood vampire lang ang may prebelihiyong magsilang.

"Sang-ayon ako sa mga sinabi nyo. Ngunit dahil sa mga masasamang bampira, nababahiran ang mga kainosentehan ng mga batang katulad nya" wika ko na nasa batang lalaki pa rin nakatingin.

"Light, sigurado ka na ba na kakalabanin mo ang palasyo?" Seryosong tanong ni Star na ikinaangat ko ng tingin sa kanya.

"Oo. Gusto kong magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao at bampira. Ngunit hindi mangyayari yun sa pamamalakad ng Royal Empire sapagkat maging ang hari ay isa lamang kasinungalingan" sagot ko

The Vampire GoddessOnde histórias criam vida. Descubra agora