CHAPTER SIXTEEN:

18.3K 392 13
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

Hahaha I love you, too hahaha <3

Sarreh kung may mga typos, walang edit pa 'to. Diniretsyo ko na kc syang in-upload.

Huehuehue limited lang ang alam ko sa Greek Mythology <3

***********************************************************************

CHAPTER SIXTEEN:

Binuksan ko ang kwarto ko at sumalubong sakin ang amoy nya. Pinupuno ng amoy nya ang buong kwarto ko. Walang pagmamadali akong humakbang. Lumapit ako sa estante ko ng mga libro at mula sa lapag ay dinampot ko ang forbidden book. Ang libro kung saan nakatala ang ilang lihim ng panahon.

Napangisi ako dahil sa wakas dumating na din ang panahong hinihintay ko. At kahit ang propesiya ay walang magagawa.

"Sa wakas, nagpakita ka din, Light. Hindi na ako makapaghintay sa paghaharap nating dalawa. Sa mga kamay ko ikaw mamamatay" wika ko ng may malademonyong ngiti sa aking mga labi.

Samantala, ang lahat ay nag-aalala na para kay Light. Laganap na ang gabi pero wala pa rin ang dalaga.

"Damn! Dapat hindi ko sya iniwan!" Sa galit ay nasuntok ni Austin ang pader sa salas ng bahay ni Zai. Labis ang pagsisisi sa pagpayag sa pagpapaiwan ng asawa.

"Austin, walang mangyayari kung sisisihin mo ang sarili mo. Magtiwala tayo na uuwi si Light" pagpapakalma ni Summer sa kapatid.

"Panong hindi ko sisisihin ang sarili ko? Ni hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko! Hindi ko alam kung napahamak ba sya, nahuli o kung nasaan na sya! Ayoko ng ganito! Para akong mababaliw!" Wika ni Austin habang nakasabunot ang dalawang kamay sa kanyang buhok. Nagpapalakad-lakad din sya na parang hindi mapakali.

"Zai, hindi mo ba makausap si Light sa isipan nya?" Seryosong tanong ni Will

Malungkot na umiling si Zai. "Pasensya na. Pero hindi ko mapasok ang isipan nya. Kanina ko pa ginagawang kausapin sya pero parang may nakaharang na sa isipan ni Light" paliwanag ng dalaga.

"Argh" galit na sigaw ni Austin. "Hahanapin ko sya!" Akma na sanang hahakbang ang binata palabas ng bahay ng pigilan sya ni Damon.

"Pare, hindi mo kailangang magpadalus-dalos. Hindi mo kailangang mag-isa sa paghahanap dahil sasamahan ka naming hanapin si Light" mahinahong wika ni Damon.

Ang lahat ay nag-aalala at sa isip ni Damon, kailangang may isa ang manatiling mahinahon. Kailangang may magtimbang sa nangyayari ngayon.

"Tama si Damon, Austin. Hahanapin natin sya. Kaya huminahon ka na muna. Lalo akong nag-aalala sayo eh" wika naman ni Psyche.

Tinapik-tapik naman ni Star ang balikat ng kapatid. Nagbibigay ng lakas ng loob. Samantalang isang masuyong ngiti naman ang ipinagkaloob ni Eve.

Kahit papano ay kumalma naman si Austin. Huminga sya ng malalim, tama ang lahat, kailangan niyang maging mahinahon kung gusto niyang mahanap ang asawa. Hindi siya maaaring mawala sa sarili dahil baka maulit ang nangyari noong may makaharap silang canibal na muntikan na niyang ikamatay. Salamat na lang at nagawa siyang buhayin ng kanyang asawa.

The Vampire GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon