CHAPTER NINE:

18.3K 458 12
                                    

SIGN IN:

Ms. Author

Hehehe natuwa naman daw ako sa nagmessage sakin. Na-touch talaga ako sayo haha kaya whether you like it or not new girl friend na rin kita :)

*******************************************************************

CHAPTER NINE:

Ang sarap talaga sa pakiramdam ng malamig na tubig. Nakababad sa tubig ang mga paa ko at ang presko nya sa pakiramdam. Alas cinco na ng hapon ng ako'y magising. Dahil naiinip ay napagpasyahan ko na pumunta dito sa talon para na rin mag-isip-isip. Hanggang ngayon kasi nakaukilkil pa rin sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.

Isang buong magdamag lang ang lumipas pero ang dami na agad ang nangyari.

Sa totoo lang ay naguguluhan na ako. Pinipilit kong isipin kung sino ba talaga ako pero wala pa rin. kahit na nga ginagamit kong gamitin ang vision ko pero talagang wala. Nakakafrustrate na ang mga nangyayari sakin.

Idagdag pa na ang nalaman ko kagabi tungkol sa mga vampire reapers. Gustuhin ko mang magtanong kagabi kina Austin ang tungkol sa mga vampire reapers, nagsawalang imik na lang muna ako dahil hanggang makapasok kami ng cabin ay ramdam ko pa rin ang matinding tensyon na bumabalot sa kanilang lahat.

Iniisip ko rin kung bakit itinanggi nila ang tungkol sa kakahayan ni Damon.

Napabuntong hiningang napatitig na lang ako sa mangasul-ngasul na tubig ng talon. Ang dami kong tanong at gusto kong masagot lahat yun. Isa lang ang taong makakatulong sakin.

Akma na sana akong tatayo para puntahan si Austin na iniwan ko sa kwarto namin na natutulog pa ng matigil ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Nandito ka lang pala" aniya

Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino ang may ari ng boses na yun. Nanatili na lang ako sa pwesto ko, hinintay na lumapit sya sakin.

Gamit ang peripheral vision ko ay nakita ko sya sa kanan ko. Tinanggal nya ang suot na sapatos bago nilubog din sa tubig ang mga paa nya.

"Ang ganda kasi dito. Nakakarelax ng pakiramdam" sagot ko na lumingo sa direksyon nya at nginitian

Bahagyang nakakunot ang kanyang noo pero alam ko na hindi sya galit o ano pa man. Lalo akong napangiti dahil siguradong maglalambing sya sakin.

"Lagi mo akong iniiwan sa kama" wika nya na parang bata.

Namula ako dahil iba ang pumasok sa isipan ko sa mga salitang yun pero hindi ako nagpahalata dahil siguradong tutuksuhin ako ng magaling kong asawa. Imbes ay napakagat labi ako para pigilan ang paghagikgik ko. Ang cute nya! Possible palang pagsamahin ang salitang gwapo at cute para ilarawan ang isang tao.

Ang aking malambing na Austin.

"Ayoko lang istorbuhin ang tulog mo" malambing na sagot ko. Humilig pa ako sa balikat nya.

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now