CHAPTER TWENTY-EIGHT:

16.9K 287 7
                                    

SIGN IN: MS. ACE

Hello! This chapter is dedicated to you kasi super overwhelm ako sa pm mo sakin and for hoping na sana ma-publish 'tong TVG. Super thank you :)

Huhuhu last chapter na lang tapos epilogue na!

Hindi ko na poh na re-read ang chapter na 'to. Mabilisan ko lang poh itong in-upload dahil nakidayo lang ako sa bahay ng friend ko.. Ayusin ko na lang kapag nagawa ko na poh yung laptop ko. Thanks for understanding :)

*****************************************

CHAPTER TWENTY-EIGHT:

WALA akong inaksayang oras at mabilis kong sinugod si David. Nagpakawala ako ng magkakasunod na suntok pero nasasangga lang niya gamit kanyang mga braso. Ibinaba ko ang pagsuntok upang punteryahin ang sikmura nya ngunit mabilis syang nakahakbang pakanan at kaagad na nailagay nya ang kanang braso nya sa leeg ko. At dahil sa pwersang nasa braso nya, nagawa nya akong maitumba pahiga sa sahig.

"Urghh!" Ungol ko dahil sa sakit ng pagtama ng likod ko sa sahig.

Akmang tatadyakan ako ni David ng mula sa isa kong kamay ay nagpakawala ako ng hangin upang malayuin sya sakin. Tumalsik siya ngunit naibalanse nya kagad ang sarili nya kaya hindi sya tumalsik sa pader. Mabilis akong tumayo para sugudin sya subalit bigla syang nawala, nagpalinga-linga ako para hanapin at pakiramdaman kung nasaan sya.

Pinalakas ko ang pandama ko, umikot ako dahil naramdaman ko sya sa likod ngunit saktong pag-ikot ko ay itinulak nya ako sa kanang balikat ko dahilan ng muli kong pag-ikot patalikod sa kanya. Mabilis nyang ipinulupot ang kanan nyang braso sa leeg ko samantalang ang kaliwang kamay nya ay hawak ang palapulsuhan ko sa kaliwang kamay. Sa higpit ng pagkakasakal nya sakin at pagkakahawak nya sa palapulsuhan ko, hindi ako makagalaw anumang pilit ko.

"Makasarili ka!  Madamot ka!" Galit na galit na bulong nya sa tapat ng tenga ko.

"Makasarili? Madamot? Sarili mo ba ang tinutukoy mo? Dahil ika---ugh" napaigik ako ng lalo nyang idiniin ang pagkakakipit nya sa leeg ko.

"Bakit ikaw lang ang meron ng bagay na gusto kong makuha? Bakit hindi mo maibigay sakin yun? Masyado kang madamot!" bawat na lumabas sa bibig nya ay makasamang diin at kapaitan sa kanyang tono.

Ano bang sinasabi nya?

Kung hindi pa ako gagawa ng paraan na makawala sa kanya ay baka tuluyan na akong mamatay kaya inilagay ko sa isa kong paa ang bigat ko at madiin kong tinapakan ang isang paa ni David dahilan para mabitawan nya ako. Mabilis akong umikot para suntukin sya subalit napagkrus nya agad ang mga braso nya kaya napatras lang sya sa suntok na pinakawalan ko. May apat na hakbang ang layo namin sa isa't-isa.

"Taglay mo ang restoration pero bakit hindi mo maibalik sakin sina ina at Josephine? Bakit ipinagkakait mo saking buhayin silang tatlo?" nagtatagis pa ring pagpapatuloy nya

"Anong sinasabi mo? Sinong Josephine?" naguguluhan kong tanong

Tunay ngang naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. At sinong Josephine ang tinutukoy nya?

"Si ina, minahal nya si ama sa kabila ng katotoohanan na ina mo ang mahal ng ama ko. Dahil sa pagmamahal na yun, nagdusa si ina sa mahabang panahon, nakiamot lang sya ng pagmamahal kay ama dahil ang pagmamahal ni ama ay nakatuon para kay Clara. Samantalang pinatay ni Imran si ama ng gabing yun---"

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now