CHAPTER TWENTY:

20.3K 351 19
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

Hahaha salamat poh sa pagsuporta at sarreh sa paghihintay.. Huehuehue pipilitin kong makapag-UD ng madalas :p

************************************************************

CHAPTER TWENTY:

Pasinghap akong nagmulat ng mga mata. Mabilis kong nararamdaman ang pagdagsa ng hangin sa baga ko. Kahit pupungas-pungas, nagawa kong ilibot ang ang paningin ko.

Anong-- Panong--

Hindi ko alam kong pano bubuuin ang mga salita ko dahil sa pagkalitong nararamdaman ko.

Akala ko..

Huminto ang mga mata ko sa lalaking akala ko ay hindi ko na makikita pa kahit kailan. Mabilis na nagtubig ang mga mata ko.

Buhay sya! Buhay na buhay at humihinga! Ganon din ang iba, buhay sila at hindi nila ako iniwan. Nasa ganon pa rin silang posisyon ng dumating sila dito sa abandonadong bahay.

"Light!" sigaw nya sa pangalan ko

Kay sarap marinig na nanunulas sa mga labi nya ang pangalan ko. Gumaganda at nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan ang pangalan ko kapag sa mga labi nya nanggagaling iyon.

"Austin" ganting sigaw ko. "Buhay ka"

Gusto ko syang lapitan at yakapin ngunit dahil sa mga posas at kadenang nakagapos sakin ngayon, hindi pa rin ako makagalaw.

Pero panong... Akala ko..

"Ang kung anumang nakita nyo ay isa lamang ilusyon" basag ng babaeng yun sa naguguluhan kong isipan

Ilusyon?

Isa lamang ilusyon ang mga nakita kong yun?

"Ibig mong sabihin ang mga nangyari kanina ay isa lang..." napapalunok na tanong ni Summer

Nasasalamin ko sa kanilang pito ang itsura ko. Kababakasan sila ng takot sa kanilang mga mukha at kahit malamig ang simoy ng hangin, halatang sila ay pinagpapawisan.

"Simula ng dumating kayo, nagsimula na ang ilusyon na ginawa ko kaya ang mga nakita nyo kanina ay isa lamang ilusyon" paliwanag nya

Kung isa yung ilusyon, ayoko na ulit makulong sa ilusyong yun! Dahil isa yung bangungot!

"Ano bang kailangan mo sa asawa ko?" Tanong ni Austin "Bakit mo 'to ginagawa?"

"Wala naman. Meron lang akong gustong patunayan at masasabi kong nakapasa kayong lahat. Napatunayan nyo sakin kung gaano nyo pahalagahan at mahalin si Light. Tinanggap nyo sya sa pamilya nyo ng walang pag-aalinlangan" seryosong paliwanag nya habang nakatingin ng diretsyo sa mga mata ni Austin bago sya bumaling sakin

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now