CHAPTER THIRTEEN:

16.1K 373 16
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

I'm back!

Hohoho sarreh ngayon lang nakapag-UD.

Pano poh maglagay ng picture sa side?

************************************************************

CHAPTER THIRTEEN:

"Nabasa na natin ang lahat ng libro tungkol sa mythology pero wala pa rin tayong makita tungkol kay Imran" patamad na naupo si Psyche sa sofang nandito din sa loob ng libriary

Kompleto ang lahat ng mythology book dito sa libriary pero ni isa wala kaming nabasa tungkol kay Imran. Tanging kay Clara lang talaga ang nakita namin ngunit nakatala sya sa isang kathang isip lamang bukod pa don ay hindi pa maayos ang pagkakakwento tungkol sa kanya.

"Zai, wala ka na bang libro?" Tanong ni Damon

"Ito na lahat" sagot nya.

Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa. May clue na kami kahit papano pero ang hirap pa din. 

Nafufrustrate na ako!

Kahit na anong gawin namin ni Damon, hindi pa rin gumagana ang vision pagdating sakin. Para bang may nakabalot saking proteksyon kaya wala kaming makita na kahit ano. Maliban na lang sa ilang nakita ko noon na hindi ko rin naman naiintindihan dahil malalabo iyon.

Napakatanda na ng mundo. Madami ng nangyari dito na hindi na rin naitala sa mga libro o kahit saan pa man. Mga pangyayari na kinupas na ng panahon. Kung meron mang mga natala, mga nagpasalin-salin na lang iyon. Nagkaron ng iba't-ibang bersyon, nabago mula sa orihinal. Ang mga di kapani-paniwala o mga di pangkaraniwang pangyayari, inilahad na lamang iyon ng mga tao bilang kathang isip ng mga taong nauna ng nabuhay sa mundong ginagalawan natin. Inakala na iyon ay kwento lamang upang libangin ang mga kabataan. Walang makapagpatunay. Tanging sa hangin at ulap lang nakatala ang mga pangyayaring di nakasulat sa libro. Dahil sila lamang saksi sa mga nakalipas na panahon.

"Light, uminom ka muna" naputol ang pag-iisip ko ng  abutan ako ni Austin ng isang basong tubig.

Tahimik na tinanggap ko iyon bago sya naupo sa tabi ko. Hindi ako uminom imbes tinitigan ko lang yung tubig.

'Bakit hindi mo ako tulungang alamin kung anong tunay kong pagkatao?' Tanong ko sa isipan ko isipan ko

Pero tila naging bingi ngayon ang bahagi ng pagkatao kung yun.

Naiinis ako at kailangan kong ilabas ang inis na nararamdaman ko!

"Light!" Sabay-sabay nilang sigaw na may kahalong gulat.

Naibaling ko sa baso ang pagkainis at frustration ko kaya nabasag iyon kahit na hindi ko iyon hinahawakan ng mahigpit. Ngunit dahil sa kamay ko sumabog yung baso, nagdugo ang kamay ko. May dugo pa nga na pumapatak sa sahig.

Nagulat ako ng hilahin ni Zai ang kamay kong may dugo dahilan para mapatayo ako.

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now