CHAPTER SIX:

18.8K 415 3
                                    

Ok, I'm back!

Huehuehue sarreh kung ilang araw akong nawala. Medyo naging bz lang :)

At dahil ilang days nga akong di nakapag-UD, 2 chapters ang iU-UD ko ngayong gabi.. huehue pambawi kung baga :)

So guys, here is chapter six and chapter seven. Hope you like it :)

I love my readers <3

*********************************************************

CHAPTER SIX:

"Canibal?"

Nanginginig at natatakot ako.

Alam kong malakas si Austin ngunit walo laban sa isa? Hindi ata patas na laban yun.

"Kinakain nila ang kahit na sinong makita nila. Tao man o bampira" paliwang ni Austin. Hinawakan niya ang kamay ko mula sa likuran nya. "Wag kang mag-alala, hindi kita pababayaan kahit ikamatay ko pa"

"Austin" nanginginig kong sambit sa pangalan nya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari samin ngayon.

Isang napakalakas na ungol ang kumawala sa isang canibal at tila iyon ang naging hudyat para sugurin kami ng mga nakakatakot na halimaw.

Sa bilis ng mga pangyayari, namalayan ko na lang na nakasalampak na ako sa lupa. Nagpakawala si Austin ng apoy, simula sa kanan papunta sa kanyang kaliwa kaya napaurong ung mga canibals. Sinamantala iyon ni Austin para tumalon sa isang canibal at mabilis itong sinipa sa ulo. Tumalsik ang canibal na iyon sa isang puno.

Sabay-sabay na sumugod sa kanya yung mga canibal ngunit muli lang syang nagpakawala ng apoy, napapalibutan sya ng apoy at ang apoy ay tumalsik sa direksyon ng mga canibal

Naitakip ko ang kanang braso ko sa mukha dahil sa init na nanggaling sa apoy na pinakawalan ni Austin. Muli akong nag-angat ng tingin, nakita ko kung pano suntukin ni Austin yung isa pang canibal. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng may isang canibal ang handa ng kalmutin si Austin mula sa likod

"Austin sa likod mo!" sigaw ko sabay ng biglang pagtayo.

Ngunit huli na ang pagsigaw ko ng tabigin sya nong canibal ng napakalakas para tumalsik sya sa isang malaking bato. Sa lakas non ay talagang bumaon siya sa batong yun.

"Austin!" sigaw ko na bahagya pang humakbang.

Sumugod ulit yung canibal na malakas na tumabig kay Austin ngunit dahil sa taglay na bilis ng aking asawa, nagawa nya kagad makaahon mula sa bato, nakapunta kagad sya sa harapan nong canibal at mabilis na sinunog ito ng kanyang apoy.

Natuwa ako dahil nagawang patayin ni Austin ang isa sa mga canibal ngunit nawala ang ngiti ko ng makarinig ako ang ungol ng mga halimaw sa kanan ko, nakita ko na patalon akong susugurin ng tatlong pang canibal. Sa gulat at takot ko ay napaupo ako sa lupa. Hindi ko nagawa pang makakilos.

Napatili ako dahil hindi ko alam kung pano ko poprotektahan ang sarili ko. Ito na ba ang katapusan ko?

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now