CHAPTER TWENTY-FIVE:

16.5K 285 10
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

Hehehe gaya ng promise ko, para sayo ang chapter na 'to. Salamat poh sa support :p

*******************************

CHAPTER TWENTY-FIVE:

'Damn it!'

Kung nakakamatay lang ang pagmumura baka kanina ko pa napatay si David sa dami ng murang lumabas sa bibig ko. Sobrang higpit din ng pagkakakuyom ng kamao ko.

Ngunit higit ang galit ko para sa sarili ko. Kung malakas lang sana ako, naprotektahan ko sana si Light sa muling pagdukot sa kanya ni David. Ni wala akong nagawa ng basta na lang silang naglaho sa hangin. Naiwan akong naghihikaus, hindi na makagalaw sa sobrang panghihina. Akala ko mamamatay na ako ngunit makalipas lang ang ilang sandali, dumating sina Will, Psyche at Damon para pagalingin ako. Nalaman ko rin sa kanila kung paano nila ako nahanap.

Sa huling sandali ng kamalayan ni Light, nagawa pa din nya akong maprotektahan at iligtas!

'Kumapit ka lang, Light parating na ako!'

Naghiwa-hiwalay kaming apat para hanapin ang asawa ko. Oras na may mangyaring hindi maganda sa kanya, ako mismo ang papatay kay David! Sa bahaging papuntang palasyo pumunta sina Damon samantalang pinili kong dito pa rin sa gubat maghanap sapagkat malakas ang kutob ko na wala sila sa palasyo.

Bukod pa don, hindi ako sigurado pero parang naaamoy ko sa hangin ang mabangong natural na amoy ni Light. Hindi man sigurado pero sinundan ko ang amoy na yun at napakunot noo ako dahil pamilyar sakin ang daang tinatahak ko.

Papunta ito sa cabin!

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at natigilan ako ng nasa labas na ako ng cabin.

At tama ako!

Mas malakas ang amoy ni Light dito bukod doon ay naaamoy ko din ang amoy ni David. Dali-dali akong pumasok ng bahay. Hindi ko alam pero tumitindi ang lakas ng tibok ng puso ko na parang minamartilyo.

'Light, nandito na ako!'

Ngunit para akong binagsakan ng libu-libong malalaking bato sa ulo. Sinaksak ng milyon-milyong patalim sa puso. At binuhusan ng ga-dagat na asido sa eksenang nagpatigil sa paghinga ko. Para akong kahoy na itinulos sa kinatatayuan ko, hindi ko maramdaman ang mga paa ko.

"Mabuti naman at nandito ka na! Hindi ko akalain na ang sarap pala ng asawa mo. Masarap palang makatalik ang sarili mong kadugo" wika nya ng may malademonyong ngisi sa kanyang mga labi habang nakatingin sakin ng may pang-uuyam habang inaayos ang kanyang pantalon

Nabaling ang tingin ko sa babaeng nakahiga sa kama na walang malay, punit ang pangtaas nya at nakakalat sa sahig ang karson nya na halatang sapilitang tinanggal sa kanya dahil sira din iyon.

Kahit lalaki ako, hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko na makita ang babaeng mahal ko na binaboy ng ibang lalaki!

The Vampire GoddessDär berättelser lever. Upptäck nu