CHAPTER TWENTY-THREE:

21.7K 303 16
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

Hohoho gaya ng ipinangako ko, huehue mahaba ang chapter na 'to kaya lang natagalan sa UD :p

***********************************************************

CHAPTER TWENTY-THREE:

Maingat akong humiga sa tabi ni Grey upang hindi sya magising. Hinalikan ko sya sa noo. Malungkot na pinagmasdan ko sya dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina

"Ano?" Kinakabahang tanong ko

Napatunghay sakin si Will at nanlalaki ang mga matang napatingin sakin.

"Ikaw ay... pasensya na pero... hindi ka buntis. Wala akong nararamdamang pumipintig sa sinapupunan mo" maingat na wika nya

Bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi nyang yun. Kung ganon hindi pa pala ako buntis. Pero mukhang hindi lang ako ang nakaramdam ng panghihinayang dahil ganon din ang bumakas sa mukha ng triplets.

"Kung hindi buntis si Light, bakit ang lakas nyang kumain ngayon?" Nanghihinayang na tanong ni Eve

"Maaaring ngayon lang bumabawi ang katawan ni Light. Lalo na at ilang araw pa lang simula ng lumbas ang pagiging bampira nya" paliwanag niya.

"Magpapahinga na ako" paalam ko, tumayo na ako para umakyat sa kwarto naming mag-asawa.

"Anak" nag-aalalang anas ni mama

Hindi ko na sila pinansin at nagtuloy  na ako sa kwarto namin.

Nakatagilid ako ng higa, narinig kong bumukas ang pinto kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig ko ang papalapit na yabag ni Austin at ang pag-upo nya sa tabi ko.

"Light? Alam kong gising ka pa" wika nya ngunit hindi ako nagsalita o nag-abalang magmulat ng mga mata. "Pasensya na kanina pero Light... Light, hindi ba pwedeng tayong dalawa lang? Kailangan ba natin ng anak para sumaya? Masaya naman tayo kahit tayong dalawa lang di ba? Napapasaya naman kita"

"Oo. Masaya nga tayong dalawa, nagagawa mo akong pasayahin at hindi ko itinatanggi ang bagay na yun. Pero kung nagbuntis nga ako, basta mo na lang bang aabandonahin ang magiging anak natin dahil ayaw mo sa kanya? Aayawan mo sya?" May diing anas ko, di ako nakatiis kaya bumangon ako, umupo ako ng maayos para makausap ko ng maayos si Austin

"Pero... hindi ka naman buntis" mahinang sabi nya na ikinainit lang ng ulo ko

"Oo! Hindi nga ako buntis! Masaya ka na?" Nang-uuyam na tanong ko

"Light, hindi naman sa---"

"Pagod na ako at gusto ko ng magpahinga, Austin. Bukas na lang tayo mag-usap dahil hindi lang tayo magkakaintindihan ngayon" putol ko sa sasabihin nya at humiga na ako.

Mainit pa ang ulo ko at hindi rin maganda ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari, kung ngayon kami mag-uusap baka lalo lang kaming hindi magkaayos. Alam ko naman na may iba pa syang dahilan ngunit dahil napangunahan na ako ng inis, hindi tumatanggap ng eksplenasyon ang isipan ko ngayon.

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now