CHAPTER SEVEN:

22.7K 525 7
                                    

CHAPTER SEVEN:

"Sino ka ba talaga?"

Yan kagad ang tanong binitiwan ni Damon ng makarating kami sa cabin.

Pano ko ba sasagutin ang tanong na yun? Dahil miski ako ay di ko alam.

Nakaupo kaming lahat dito sa sala maliban kay Damon. Si Damon ay nakatayo sa likuran ng sofa kung saan nakaupo si Eve. Si Will naman ay palipat-lipat ng upuan dahil ginagamot niya ang mga sugat na natamo ng lahat. Nagpahuli na ako dahil hindi naman malala yung natamo ko at hindi ko naman maramdaman na sumasakit ang sugat ko.

Mahigpit na hinawakan ni Austin ang kamay ko. Katabi ko lang sya. Hindi sya umalis sa tabi hanggang sa makauwi kami dito sa cabin.

Napabuntong hininga ako at napailing.

"Hindi ko alam" sa ilang minuto na nakalipas na katahimikan, iyan lang ang naisagot ko

"What do you mean, you don't know?" kunot noong tanong ni Damon.

"Wala talaga akong alam. Tulad ng nasabi ko na dati, wala akong matandaan tungkol sa sarili ko. Hindi ko alam kung pano sasagutin ang tanong mo" mahinang sagot ko.

"Impossible na wala kang alam" giit niya

"Wala nga siyang alam eh! Kapag sinabi nya na wala syang alam at natatandaan. Wala talaga!" galit na sabi ni Austin. Ang sama ng pagkakatingin nya kay Damon

"Austin" saway ni Eve. Bumaling sya kay Damon "Damon, hindi naman natin kailangang pilitin si Light kung wala talaga syang maalala tungkol sa sarili nya"

Umiling si Damon habang nagpapalakad-lakad. Tumingin sya samin. "Hindi nyo ba naiintindihan? Hindi sya normal na tao. May normal ba na tao ang kayang patayin ang mga canibal ng dahil lang sa mga salita nya? May normal bang tao na nakakapagpagaling sa sugat nya ng ganon kabilis? Normal ba na hindi ko makita ang nakaraan nya at hinaharap?"

Lahat sila ay napatingin sakin. Nanlalaki ang mga mata nila. Maging ako din ay pinanlamigan ng may mareliaze ako. Binuksan ko ang palad ko na nagkasugat kanina. Talagang napaawang ang labi ko ng makita ko na maayos na ulit yun. Wala ng bakas na nagkaroon don ng sugat. Inangat ko din ang kamay ko sa gilid ng ulo ko kung saan ako ng kasugat pero wala na rin akong makapang sugat doon. Kahit man lang dugo ay wala na rin.

"Nakita nyo na? Mabilis na naghilom ang mga sugat nya. Parang kusang ginagamot ng katawan nya ang mga pinsalang nakuha nya kanina" sabi ni Damon ng mareliaze namin ang napansin nya.

Napaa-observant nya sa paligid. Napansin nya kagad yung di namin napansin. Ako na may katawan ay hindi ko napansin ang paghihilom ng sugat ko.

"Light?" nagtatanong na wika ni Star

Umiling ako. "Totoo ang sinabi ko na wala talaga akong maalala. Hindi ko talaga alam kung pano nangyari. Hindi ko alam kung pano ko nagawa yung kanina. Hindi ko alam...pero--" muli akong umiling.

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now