CHAPTER TWENTY-FOUR:

19.5K 292 4
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR:

Mula dito sa kwarto ko, pinagmamasdan ko lang ang papalayong pigura ni Light.

"Panginoon, hahayaan mo lang ba syang makatakas?" Nagtatakang tanong sakin ni William

"Sa ngayon... oo" misteryoso kong sagot. Isa pa, hindi ko rin naman kailangang ipaalam dito ang mga plano ko.

'Tumakbo ka ngayon hanggat kaya mo dahil sa huli... sa mga kamay kita babagsak!'

"AUSTIN!"

Pabalikwas akong napabangon. Sumalubong sakin ang pamilyar na silid, kahit na nakasarado ang bintana, alam ko na gabi pa. Tutop ko ang aking dibdib dahil damang-dama ko ang bilis ng tibok  puso ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nawalan ng malay ngunit kahit papano ay nakabawi na ako sa nawala kong lakas.

Pero anong nangyari?

Bakit nandito ako?

Napabaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa ang lalaking pinananabikan kong makita. Nanubig ang mga mata ko.

"Light!" Gulat nyang bigkas sa pangalan ko ng makita nyang gising na ako. "Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Nag-aalala nyang tanong ng makalapit sya sa kamang hinihigaan ko.

"Mabuti na dahil nakita na kita. Ma--" naputol ang kung anumang sasabihin ko ng mahigpit nya akong yakapin

Sobrang higpit ng yakap nya sakin. Sa katunayan ay nahihirapan akong huminga ngunit hindi ako nagrereklamo dahil gusto ko ang lamig na hatid ng katawan nya sa katawan ko.

"Takot na takot ako ng dukutin ka nya... akala ko mawawala ka na sakin... Light, mahal na mahal kita... hindi ko kakayanin kapag nawala ka sakin dahil kung mangyayari yun, mas gugustuhin ko na lang mamatay" bakas sa tinig nya ang takot

Aaminin ko na nakadama din ako ng takot kanina na baka hindi ko na sya makita kahit kailan. Sobra talaga iyong nakakatakot! 

"Nandito na ako...hindi mo na kailangang matakot...nakauwi na ako" gumanti ako sa higpit ng yakap nya upang ipabatid sa kanya na yakap nya ako, nadarama nya ang init ng katawan ko, na buhay ako at kasama na nyang muli.

"Oo. Nandito ka...nakabalik ka na" bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at pinagmasdan nya ang mukha ko. "Mahal na mahal kita"

"Ganon din ako. Mahal na mahal din kita, Austin" dumukwang ako para abutin ang labi nya at gawaran iyon ng damping halik. "Masaya ako na makasama ka ulit"

Magkahinang lang ang mga mata namin. Wala ng nagsalita, sapat ng ang mga mata namin ang nag-uusap at mga puso namin ang nagkakaunawaan.

Ngunit may bigla akong naalala at kailangan ko iyong itanong sa kanya.

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now