CHAPTER SEVENTEEN:

18.5K 362 6
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

Promise! Piks man, mamatay man lahat ng itim na tagak at puting uwak! Dapat kagabi ko pa iuupdate ang chapter na 'to kaya lang bigla akong nawalan ng internet connection kaya ngayon lang sya na-update hehehe nagsimba pa kami eh :p

Hehehe napansin nyo ba na iba na ang book cover natin? Ang ganda noh? Gawa yan nong nakadedicate sa chapter na 'to. Wooohooo hehehe para sayo 'to <3

Huehuehue ganda ni Light noh? Sya yung nasa cover. In real life, she is Aida Dapo. <3

***********************************************

CHAPTER SEVENTEEN:

Vampire Goddess

Si Imran ay isang Dyos ng Olympus samantalang si Clara ay isang tao na muling binuhay ngunit kapalit non ay ang sumpa ng pagiging isang nilalang na uhaw sa dugo. Marahil nga isa nga akong Vampire Goddess.

"I can't believe this!" Bulalas ni Psyche

Napabuntong hininga ako ng isa-isa ko silang tiningnan. Kung ako mismo ay hindi makapaniwala sa nalaman ko, sila pa kaya.

"Sandali, naguguluhan lang ako. Ang sabi mo, nakatulog ka ng mahabang panahon at namatay si Clara sa panganganak sayo, sino ang nagpakalat sa lahi ng mga bampira kung si Clara ang naunang bampira sa mundo?" Seryoso at nakahalukipkip na tanong ni Damon

Umiling ako. "Yan din ang tanong ko sa sarili ko. Bago iwanan ni Aphrodite si in-- si Clara, wala na itong buhay at..." unti-unting bumagal at humina ang pagsasalita ko, napakunot noo din ako ng  may ma-realize akong isang bagay "Maliban na lang kung inakala lang ni Aphrodite na patay na si Clara. Maaaring dahil sa pagbabago ng katawan ni Clara noon kaya panandaliang tumigil ang tibok ng puso nya" nanlalaki ang mga matang isa-isa ko silang tiningnan. "May possibilidad na buhay pa sya!"

The Vampire GoddessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt