CHAPTER TWENTY-ONE:

19.3K 343 11
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

Hehehe sarreh, nawalan ako ng net kagabi <3

***********************************************************

CHAPTER TWENTY-ONE:

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sakin ang magandang pares ng abuhing mga mata ng lalaking laman ng mga panaginip ko.

"Magandang gabi, prinsesa" may ngiting bati nya. Nakatagilid sya ng higa habang nakatukod ang isa nyang braso at doon nakapatong ang ulo nya

Ito ang unang beses na nauna sya saking magising. Mukhang talagang napasarap ang pagtulog ko. Masasabi kong isa ang pagtulog kong yun sa pinakamahimbing kong tulog. Sapagkat wala akong napanaginipan tungkol sa nakaraan at panatag na rin kahit papano ang loob ko dahil alam ko na kung saan ako nagmula at ngayong kapiling ko na ang mama ko.

Ngumiti ako sa kanya bago yumakap sa bewang nya at iniunan ang ulo ko sa dibdib nya kaya naman muli syang napatihaya. Muli akong pumikit, parang ang sarap pang matulog.

"Kanina ka pa gising?" Inaantok-antok ko pang tanong

"Uhhumm... kanina pa kita pinagmamasdang matulog. Para kang anghel" aniya kasabay ng magaang paghaplos-haplos nya sa pisngi ko

"Hindi ako anghel.. isa akong Dyosa" dumilat ako at ngumisi.

"Oo. Isa ka ngang Dyosa. Ikaw ang Dyosa ng buhay ko" ngunisi din sya sakin

Pinadaan ko ang hintuturo ko sa pagitan ng kilay nya padaan sa ibabaw ng ilong nya bago pinisil ang matangos nyang ilong "Corny!" Natatawang wika ko habang pinanggigigilan pa rin ang ilong nya.

"Corny pala ha!" Bigla syang kumubabaw sakin at pinagkikiliti ako

"Ahh.. t-tama na..." tumatawang pigil ko sa kanya habang nagpapasag, pilit umiiwas sa mga kamay nya kahit na alam kung impossible dahil nasa pagitan ako ng hita nya at naiipit ako doon.

"Sino nga ulit yung corny?" Nakangisi nyang tanong habang patuloy pa din sa pagkikiti sakin

"S-Si... si..." hindi ko maituloy-tuloy yung sinasabi ko dahil sa pagtawa. "Austin Von Ashford!" Sigaw ko

"Ah gan---"

"..ay mahal na mahal ko!" Putol ko sa sana'y sasabihin nya.

Naging epektibo ang sinabi ko dahil natigilan sya sa sinabi kong yun. Tumigil na sya sa pagkiliti sakin at tumitig na lang sakin ng punong-puno ng pagmamahal

"Tsk" ismid nya ngunit halata naman ang pamumula

Bumangon ako ngunit nanatili si Austin sa ibabaw ko, nakatukod ang magkabila nyang tuhod sa tagiliran ko. Itinulak ko sya pahiga kaya nagkapalit kami ng pwesto, ako na ngayon ang nasa ibabaw nya at sya na ngayon ang nakahiga. Ngunit pagkaibabaw na pagkaibabaw ko sa kanya ay husto namang kumalam ang sikmura ko.

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now