CHAPTER TEN:

16.5K 422 9
                                    

Hahaha yung tipong nasa 1st half na yung itntype kong chapter ten tapos sa kasyungaan ng mahal nyong author, di kagad na save kahit alam ng ilang seconds na lang malolowbat na yung phone nya..

BOOM PANES! Unsaved ang 1st half hahaha.. Ulit from scratch ah :D

Huehuehue natutuwa naman ako sa mga nababasa kong msg. sakin. Para sayo ang chapter na 'to :)

Grabe mahal ko na kayo <3

***************************************************

CHAPTER TEN:

Nandito na naman ako.

Panaginip

Ang aking kakaibang panaginip

Kusang kumilos ang mga paa ko. Tila tiyak ang patutunguhan. Mukhang alam ko na kung saan ako dadalhin.

Nandon sila.

Masayang magkayakap habang nakaupo sa isang upuan na gawa sa bato na nasa lilim ng puno kung saan mas lalo silang nalalambungan ng kadiliman ng gabi. Punong-puno ng pagmamahalan para sa isa't-isa. At ang makita silang ganon ay tila isang napakagandang tanawin. Parang may natutunaw sa loob ko dahil sa mainit na bagay na gumagapang papunta sa puso ko.

"Imran, natatakot ako na magkahiwalay tayo. Mahal na mahal kita" umangat ang ulo nya mula sa pagkakayakap para tumingin sa binata

"Mahal na mahal din kita, Clara. At sisiguraduhin ko na hindi tayo magkakahiwalay sa kabila ng lahat ng kaguluhang nangyayari ngayon" pagpapagaan nya ng kalooban sa nobya.

"Kung sana naging katulad mo na lang akong naging isang ---"

Naputol ang sanang sasabihin ni Clara ng biglang magbago ang kapaligiran. Kung kanina ay nasa harden ako at nasasaksihan ang pagmamahalan ng dalawang nilalang, ngayon naman ay mga bahay na nasusunog ang nakikita ko. Mga taong nagtatakbuhan at umiiyak. Katawan ng mga batang wala ng buhay.

Ayoko nito!

Ayoko ng nakikita ko!

Hindi ko masikmura ang mga kalunus-lunos na itsura ng mga taong nakikita ko.

Gusto kong ipikit ang mga mata ko pero hindi ko magawa, ayaw akong sundin ng mga ng mga mata ko. Hindi ko din magawang makakilos at ang makapagsalita ay tila impossible din para sakin.

'Austin' piping tawag ko sa pangalan nya

'Austin'

Gusto ko ng magising!

'Austin!' Tili ko dahil hindi ko na masikmura pa ang mga nakikita ko

Sa pagtili ko ay nawala ang lahat. Binalot ng napakatinding dilim ang buong paligid. Sa sobrang dilim ay wala ng pinagkaiba kung nakapikit ako o nakamulat. Ngunit segundo lang ang lumipas ay sumabog ang napakatinding liwanag. Napapikit ako at napasinghap dahil pakiramdam ko ay nahuhulog ako sa isang napakalalim na bangin.

The Vampire GoddessWhere stories live. Discover now