Chapter 28 *Giving up*

Start from the beginning
                                    

"Daren..."

Hinigpitan ko pa ang pagyakap kay Kim.

"I'm sorry," sabi ni Kim.

"No. Wag ka nang magsorry," sabi ko na lang.

Alam ko na maraming hindi sasang-ayon sa ginawa kong  ito, pero mahal ko si Kim.
I lost her twice. I don't want to lose her again.
I want to keep her forever.

***

"Ano may anak na si Kim?"

"At tinanggap mo pa rin siya?"

Magkasunod na tanong nina Z at Yuan.

Break time namin. Magkakasama kami ngayon sa cafeteria ng VT.

"Daren, ilang taon na iyong bata?" tanong naman ni Percy.

"Hindi ko alam. Hindi ko pa natanong  si Kim tungkol don."

"Baka ikaw ang tatay non," biglang sabi ni Jao.

Napatingin ako sa kanya.

"Paano naman magiging si Daren ang tatay non?" tanong ni Z.

"Wala lang, naisip ko lang," sabi ni Jao bago ito uminom ng juice.

"Pero oo nga no. Puwedeng kaya ka niya iniwan noon ay dahil buntis siya," naisip ni Yuan.

"Parang iyong mga nasa drama?" dagdag naman ni Z.

"Tumigil nga kayo!" Sinaway ko sila agad. "Si Edward ang tatay noong bata," sabi ko dahil siya naman talaga--- Ayokong magkaroon ng false hope. Isa pa, kung ako talaga ang ama ng bata hindi naman siguro iyon ililihim sa akin ni Kim.

"Alam kaya ni Mira to? Wala kasi siyang nababanggit sa akin na may anak na si Kim," sabi ni Percy.

"Pero Daren, sure ka ba na ayos lang iyon sayo? Ayos lang ba na may anak sa ibang lalaki ang girlfriend mo?" tanong ni Jao.

"Ayos lang iyon sa akin," mabilis kong sagot. "Ang mahalaga wala na sila ni Edward," dagdag ko pa.

Biglang tumunog ang phone ko. May reminder na event.

"May bakanteng oras pa tayo, di ba?" tanong ko.

"Bakit, may pupuntahan ka?" tanong ni Yuan.

Tumayo na ko. "Sandali lang ako."

Ngayon ang event ni Rex. Gusto kong sumaglit. Gusto kong mapanood ang performance ni Kim.

***

Ah.
Natigilan ako nang makita ko mula sa malayo sina  Kim at Edward.
Nag-uusap sila at parang ang saya saya nila.

Hindi pa nagsisimula ang concert.  Sa backstage palang sila pero ganoon na sila kasweet. Paano pa kaya mamaya sa live concert?

"Hello po."

May biglang bumati sa akin.
Iyong bata na kasama ni Kim.
Iyong anak niya, si Ayesha.

"Kayo po si Black Spade, di ba?"

Tumango ako.

"Pwede pong magpapicture sa inyo?"

Habang nakikita ko ang bata ang daming pumapasok sa isip ko.

Ang batang ito ang bunga ng panloloko sa akin ni Kim.
Siya ang buhay na patunay na hindi ako kundi ibang lalaki ang pinili niya.
Sa kabila ng ginawa ko.
Sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya.

"Papicture po."

"Ayoko!" Bigla kong tinabig ang kamay ng bata. Nalaglag ang hawak niyang cellphone. Biglang nangilid ang luha niya.

"Daren!" Dumating si Kim. Mukhang nakita niya ang ginawa ko.

"Mama." Umiiyak na tumakbo sa kanya si Ayesha.

"Sige na, pumunta ka muna ron. May ice cream don. Puwede mong kainin ang kahit anong flavor."

"Talaga po?" Tumahan na si Ayesha. Tumakbo papunta sa direksyon na itinuro ni Kim.

Tumuon sa akin si Kim.

"Daren. Bakit mo ginawa iyon?"

Wala akong sinabi.

"Galit ka ba? Akala ko ba okey lang sayo na may anak ako?"

"Akala ko rin. Hindi ko pala kaya."

"Ano?"

"Ayoko na."

"Anong ibig mong sabihin?'

"Ayoko nang magpakatanga!"

"Daren."

"Bakit ko nga ba pinipilit makasama ang babaeng nanloko, nang-iwan sa akin at ngayon ay may anak sa lalaking pinili niya? Kahit isipin ko na okey lang iyon. Hindi pala talaga okey. Naapakan na ang pride ko."

"Ibig bang sabihin niyan, nakikipagbreak ka na sa akin?"
linaw ni Kim.

"Oo!" madiin kong sabi.

"Daren."

Tumungo ako.
Gustuhin ko man, tila ba ayaw na ng katawan ko na makita pa ang reaksyon ni Kim.

"Kim,  start na. Kakanta ka na!"

Tinawag na si Kim kaya umalis na siya.

I decided to let her go.
Sinasabi ng isip ko na tama ang desisyong ko.
Pero ang puso ko... Hindi ko alam.

***

Paalis na ako nang marinig ko ang boses ni Kim. Napahinto ako.

"Bago ko po kantahin iyong kanta na inihanda namin, gusto ko po sanang awitin muna ang isang komposisyon na ginawa ko noon. 
Para sana ito sa isang espesyal na tao, pero hindi ko na nakanta. Ngayon na lang. Sarili ko pong komposisyon ito. Ang una kong composition. "

Nagsimula si Kim sa pagkanta.

Ang kanta niya.
Ang awit na iyon.

Bigla kong naalala iyong araw na nasa Japan kami.

Nagsulat siya ng kanta noon.
Kung gayon, para sa akin pala ang kantang iyon.
Ang kanta na inaawit niya ngayon.

How to Love a Super StarWhere stories live. Discover now