HASHTAG // FOUR: #OneCondition

Magsimula sa umpisa
                                    

"Like what, Avery?" His voice was husky. Yung tono ng boses niya nakaka--!!!!!!!

Goodness, it's too sensual. His voice is too sensual.

Tumayo na lang ako sa kama ko at kunwari kukunin ang MacBook. Err, ang totoo nyan, naasiwa ako sa presensya niya! I don't know what's happening with me.

"Basta! Ah.. I don't know!" Shet. Tumikhim ako. "Anyway, may iuutos lang sana ako, Rave. Tungkol ito sa—"

"Ayoko." Agad na sabi niya habang umiiling pang nakaupo sa kama ko! Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita, umayaw agad. Bwisit to ah.

Hinarap ko siya nang naniningkit ang mga mata. "Anong sinabi mo?!" Nakataas pang kilay na tanong ko. Bwisit 'to! Minsan nga lang ako mag-utos sa kanya, tatanggihan pa. Walang hiya.

"I told you, I won't help you." Cool na cool lang siya habang sinasabi ito samantalang ako, halos mag-alburoto na sa inis! Kumag ka talaga, Raven Lim!

"What? It's just a simple work to do, Lim! Why won't you help me?!" Napalapit na talaga ako sa kinauupuan niya kasi right now, gustong-gusto ko ng pagsasapakin ang 'sang 'to! Nakakairita. Sa mga babae niya, nakapaglalaan siya ng oras makipaglandian, pero kapag ako kaunting favor lang, wala siyang time?! Eh kung sinasapak ko kaya siya?!

Sa halip na ngumisi siya ay tinaasan niya lang uli ako ng kilay tsaka nagsalita nang madiin. "Ah, that's just simple?" Nakaigting ang bagang niya habang binibigkas ito. "Kung kay Christian ka na lang kaya magpatulong?"

Nagulat ako sa biglaang pagkasabi niya sa akin nito. Raven's not vocal. But how come nasabi niya yon?

"Ha?" Nilapitan ko siya. "Bakit ba napunta ang usapang ito kay Christian? Hibang ka ba? Tungkol ito sa ipapa-type ko sana sa'yo!" Pagalit na sabi ko habang tinititigan ang kanyang mga matang nakatingin pabalik sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Bigla ba naman kasing bumilis ang tibok ng puso ko. At parang alam ko na kung bakit.

Nakita ko ring umiwas siya ng tingin at kinagat niya ang kanyang labi. Jizz— Why can a man be so hot like this?!

"W-wala!" Sigaw niya. Bakit ba sigaw nang sigaw 'to? Para naman tong laging galit.

"Ang sinasabi ko lang, may asawa ka na, di ka na single, Avery! Kaya wag ka ng magpapalapit sa kung sinu-sinong lalaki dyan." Seryosong utas niya. Anong connect nito sa ipapagawa ko sa kanya?

This time, ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya sa kabila ng naghuhurumentado kong puso.

"Excuse me, hindi lang kung sinu-sinong lalaki si Christian, no! Kaibigan mo siya!" I glared at him. "At tingnan mo nga naman," Sarkastiko akong tumawa. "Bakit? Sino ba sa atin ang may babae, kumag ka! Diba ikaw?!"

"Pwede ba Avery, hindi ako ang pinag-uusapan natin dito. Ikaw!"

"So ganun?! Pag ikaw nambabae, okay lang. Pag ako manlalalaki, di pwede?!"Napasinghap ako.

"Ang unfair mo naman ata! Moderno na ang mga panahon ngayon at kaming mga babae, di na kami yung tipong sunud-sunuran na sa mga walangyang lalaki sa mundong ito! At uulitin ko," I glared at him, "Wala akong nilalapitang lalaki. Sila ang lumalapit sa akin!"

Bigla siyang tumayo at kinuha ang Mac na hawak-hawak ko. "Sinasabi na nga ba.. Okay, fine." Nagulat ako sa biglaang pagsuko niya. Masyadong guilty? "Gagawin ko ang lahat ng ito..." Tumigil muna siya at timitig sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Fudge. Di ko kayang makipagtitigan sa lalaking na 'to.

"...sa isang kondisyon."

Kunwari iniirapan ko siya at inis na inis ako sa mga pakulo niya pero ang totoo, halos di na ko makahinga sa sobrang lapit namin!

"ANO?!" Sigaw ko. Ang init...

Seryoso niya akong tinitigan na para bang minimemorya niya ang bawat detalye ng mukha ko.

"Wag kang magpapaligaw sa kahit sinong lalaki sa school." Hinawakan niya ang kamay ko. Ang lakas-lakas na rin ng pintig ng puso ko na halos di na ko makahinga.

"Naiintindihan mo?"

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon