13th Page

7 1 0
                                    

Kabanata 13

B e h i n d  T h o s e  V i s i o n

ISANG malakas na tilaok ng manok ang gumising sa akin. Wala na si Lola sa tabi ko at nakabukas na ang bintana.

Bumangon ako at inayos ang higaan. Napatigil ako sa aking ginagawa ng maalala ko ang nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung panaginip ba 'yon o hindi. Nakausap ko si Genius kagabi.

Magkatabi kami sa kama. Nakatingin lamang siya sa akin habang nakatingin din ako sa kanya. Gusto ko sana siyang kausapin kaso katabi ko si Lola kagabi. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya.

Tahimik lang din siya. Walang imik.

Napansin ko ang malaking pagbabago sa kanyang mga mata. Sobrang itim.

Ngumiti siya at tuluyang naglaho.

Bakit kaya siya biglang nagpakita sa akin? Dahil ba binasa ko ang dalawang sulat niya kagabi? O mas mahigit pa roon?

"Tulala ka na naman Lheira! Hay! Naku! Gutom ka ba?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Sakira sa aking tabi.

"Sakira! Hindi ah! Sobrang maaga pa para kumain."

Umupo siya sa likuran ko at hinawakan ang aking buhok.

"Ibrabraid ko 'to ha?" paghihingi niya ng permiso. Tumango na lang ako bilang pag-sang-ayon.

Si Sakira ang taga-braid ng buhok ko noong hindi pa sila umalis  papuntang Australia. Madalas kaming maglaro noon ng Chinese garter at jumping rope kasama ang mga anak ng aming mga kapitbahay. Palagi nga siyang pinagagalitan ni Tita Romina dahil sa t'wing uuwi siya, madumi na ang kanyang suot.

Sinimulan na niya ang pagbraid ng aking buhok.

"Na-mimiss ko ang pagbraid sa buhok mo, Lheira? Ikaw, namiss mo kaya ito?" tanong niya.

"Hindi. Hahaha," pagbibiro ko.

"Ah ganun? Nakakatampo naman yan. Huhuhu!" kunwaring nagtatampong sabi ni Sakira. Natatawa na lang ako. Kilalang-kilala ko ang ugali ni Sakira. Hindi siya sensitive.

"'Wag mo akong tawanan. Hmp," pilit niyang ipinapakita sa akin na nagtatampo siya.

"Diyan ka na nga, hahaha!" at lumayo ako sa kanya.

"Tinawanan na ako, iniwanan pa. Saklap!" sabi niya at umiling-iling. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at lumabas sa bahay. Ang sarap talaga ng hangin dito. Walang humahalong usok mula sa mga sasakyan. Marami ding puno kaya hindi maalinsangan dito.

Nakakita ako ng isang silya kaya kinuha ko 'yon at umupo. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Patawa-tawa lang ako para tulungan ang sarili ko na makabangon mula sa pagkalugmok ko.

"Lheira?"

Nandito na naman si Fate, dala-dala ang notebook na nagpapaiyak sa akin.

"Pwedeng 'wag muna ngayon Fate. Hindi ko nababawi ang lakas ko." Tumalikod ako at bumalik sa loob ng bahay. Wala na akong ibang patutunguhan.

Pumasok ako sa silid at umupo ako malapit sa bintana. Dito na lang muna siguro ako. Ramdam naman mula rito ang malamig na simoy ng hangin.

"Tatakas ka na naman sa obligasyon mo, Lheira?" Muntik nang mabagok ang aking ulo sa dingding dahil sa pagkagulat.

Tinignan ko ng masama si Fate na kasalukuyang kinakamot ang kanyang ulo.

"Papatayin mo ba ako sa gulat Fate?" Sinadya kong lagyan ng pagkainis ang tono ng aking pananalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

36 Pages (Slow Update)Where stories live. Discover now