4th Page

78 85 1
                                    

Kabanata 4

S t r a n g e r

HAWAK ko ngayon ang puting rosas. Di ko talaga maisip kung para kanino ito. Masama bang mag-assume na para ito sa akin?

Kung para nga ito sa akin, sino naman ang nagtangkang ibigay ito sa akin? Hindi naman ako bibigyan ni Jamesee ng bulaklak, lalo na kay Tita.

Malayo din ang gate namin mula sa garahe. Imposible ding aksidente itong napunta sa garahe. At fresh pa ito, isang senyales na kanina pang umaga ito nilagay sa garahe.

"Saan mo gusto, Lheira? Sa Prince ba tayo?" tanong ni Tita. Tumingin ako sa kanya.

"Kayo po ang bahala, Tita." sabi ko. Agad na pinark ni Tita ang sasakyan sa parking lot ng mall.

Itinago ko muna ang puting rosas sa likod ng upuan. May parang pouch kasi sa likod na pwedeng malagyan ng maliliit na gamit. Unang bumaba si Tita sa sasakyan. Sumunod ako sa kanya.

Pumasok na kami sa entrance ng mall. Masarap talaga ang temperatura sa loob ng mall. Malamig pero saktong-sakto lang. Pumunta kaagad si Tita sa Grocery Section. Humiwalay muna ako sa kanya para kumuha ng grocery cart.

May nasipat akong nag-iisang grocery cart sa tabi ng isang cashier. Lumapit ako dito. Kukunin ko na sana nang may kamay na nakahawak sa handle nito.

Napalingon ako. Isang lalaking naka long sleeve. Agad kong tinaas ang kilay ko.

"Excuse me Mr. Stranger? Ako ang nakauna sa grocery cart na yan!" I firmly said. I saw him smirked.

"Are you one of my stalkers, Miss?" he smirked for the second time. Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Stalker?

"Ano? Stalker? Ako stalker mo? Wow! For your information, ngayon lang kita nakita Mr. Stranger!" sabi ko. He put the cart down and crossed his arms.

"Then, bakit mo alam ang pangalan ko?" he playfully asked. Ano ulit? I know his name?

"Whut? Alam ko ang pangalan mo? Teka, wala akong maalala na tinawag kita sa pangalan mo and I do not know you!" sabi ko. Narinig ko siyang tumawa.

"I heard you call my name twice."

Twice? Teka, is his name...

"Stranger? Ikaw si Stranger Aiexoulv Flereus?"

He smiled. "Kumusta ate Lhei? 8 years na tayong di nagkita ah? Gumwapo ba ako?"

I was speechless. Umuwi na si Stranger? Bakit di ko alam? Geez. Agad ko siyang binatukan.

He is Stranger Aiexoulv Flereus, my cousin on the father side. Huli kong kita sa kanya is when he's 8 years old and I'm 13 years old. And 8 years ago pa yon kaya hindi ko na siya namumukhaan.

Like me, he believe in ghost. Naalala ko pa noon nang pumasok kami sa isang sikat na haunted house sa subdivision namin para magpa-autograph sa mga ghost at white ladies. What a memory!

"Baliw ka talaga Stran! May pa stalker stalker ka pang nalalaman! Tss." sabi ko sabay hablot ng cart at umalis papalayo.

"Woi! Ate Lhei! Hintayin mo ang gwapong Stranger!" pagmamayabang niya. I let out a sigh. Tumigil ako at nilingon siya.

"Tumangkad ka lang, di ka gumwapo. You're still the Stranger I used to know. The dugyot!" I laughed. Nakita ko siyang nagpout.

"Woi! Grabe ka sa akin Ate Lhei! Ikaw naman eh gumanda ka kaso di ka yata binisita ni Mr. Height!"

Napataas ako ng kilay. "I don't care! Atleast kayang solusyonan ng Gloxi itong height problem ko!" and I flipped my hair. Umalis na ako para hanapin si Tita Vasil. Nararamdaman kong sumusunod siya sa akin.

36 Pages (Slow Update)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें