5th Page

67 78 0
                                    

Kabanata 5

C u l p r i t

NAABUTAN ko sa presinto sina ate Ayanna at Tita Garnet. Nang makita ako ni Tita, agad siyang tumayo at niyakap niya ako.

"L-lheira, buti at nakarating ka!" mangiyak-ngiyak na saad ni Tita.

"Hindi ko po pwedeng palalampasin ang pagkakataong ito. Kailangan ko ng mga sagot para sa mga tanong ko." diretso kong sabi.

Maya-maya, may isang pulis na dumating. Tumikhim siya bago nagsalita.

"Handa na po kayong harapin ng suspek, Ma'am!" pahayag nito. Walang pag-aalinlangan na tumayo ako at sinundan ang pulis. Gigil na gigil ako!

May naramdaman akong kamay sa balikat ko. Si ate Ayanna pala!

"Relax lang Lheira! Masasagot din lahat ng katanungan mo." nakangiti niyang sabi. I faked a smile.

Isang rehas na bakal ang natatanaw ko mula rito. Nakikita ko ang nag-iisang tao sa loob nito, nakayuko at tila nagdadasal.

"Mr. Iranak! Tumayo ka na diyan!" sigaw ng pulis.

Mga namamagang mata ang una naming napansin sa kanya. Lumapit ako sa kanya at humawak sa rehas. Para kasing nawawalan ako ng lakas.

"Mr. I-iranak? M-may t-tanong a-ako sa inyo!" nanginginig kong sabi. Agad siyang napaluha at napalunok ng laway. Kinuyom ko ang aking mga kamay at mas lalong hinigpitan ang pagkahawak sa rehas.

"Bakit niyo hinayaang mamatay si Genius sa gitna ng mainit na kalsada? Bakit hindi mo siya dinala sa ospital? Bakit hindi mo pinagutan ang pagkabangga ko sa kanya? Bakit?" sunud-sunod kong tanong. Nang marinig niya lahat ng tanong, hindi siya sumagot. Umiyak lang siya ng umiyak.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Bakit! Sumagot ka! Alam mo ba na dahil sayo, nawalan kami ng isang mahal sa buhay! KUNG SANA DINALA MO SIYA KAAGAD SA OSPITAL, HUMIHINGA PA SANA SIYA NGAYON!" Di ko mapigilan ang sumigaw. Agad akong hinawakan ni ate Ayanna sa balikat.

"Kalma lang Lheira!"

Pero hindi ko siya pinansin. Tinignan ko ng malalim ang umiiyak na Mr. Iranak.

"SANA NAISIP MO NA YUNG NABANGGA MO MAY PAMILYA NA NAGHIHINTAY SA KANYA! KUNG MAY TAMA KANG PAG-IISIP, SANA... sana di lang ako ang makakakita sa kanya ngayon." bulong ko sa huling linya. Tumalikod na ako dahil sa hindi ko na kayang tumingin sa kanya.

Bahagya akong napaatras ng makita si Genius, nakaupo sa isang upuan sa loob ng presinto.

"Okay ka lang, Lheira? Nahihilo ka ba?" pag-aalala sa akin ni Tita Garnet. Umiling ako.

"Maayos po ang pakiramdam ko, Tita. May naalala lang ako saglit." paliwanag ko. Mapait na ngunit si Tita.

"Doon ka muna umupo. Kami muna ang kakausap dito." mahinahong sabi ni Tita. Napalunok ako ng laway. Di ko alam kung ano ang irereact ko.

"S-sige p-po!" Halata sa boses ko ang pagkabalisa. Lumakad ako papalapit sa upuan. Di ko alam kung tatabi ba ako kay Genius o hindi.

Sa huli, wala akong magawa kundi umupo sa tabi niya. Natatakot kasi ako na di ko mapigilan ang sarili ko na kausapin siya at mapagkamalang baliw.

"Min! Alam kong di mo ako pwedeng kausapin pero pinapaala ko lang sayo ang tanging hinihiling ko." paalala niya sa akin. Napatango ako nang wala sa oras. Patay! Muntik ko nang nakalimutan ang tungkol sa notebook.

Bigla na lang siyang naglaho. Agad akong nakahinga.

Ilang minuto ang lumipas, nakita ko na sila Tita at Ate Ayanna na papunta sa desk ng isang pulis. Magsasampa ata ng kaso laban kay Mr. Iranak.

36 Pages (Slow Update)Where stories live. Discover now