9th Page

63 65 0
                                    

Kabanata 9

M e t A g a i n

DALA-DALA ang aking bagpack, lumabas na ako at hinintay sina Gyveneth at Christopher sa labas. Nagkasundo kasi kami na sasabay na lang kina Christopher.

Hindi ko makakalimutan ang kani-kanilang reaksyon ng sinabi ko sa kanila na nakakausap ko si Genius. Akala nga nila ilusyon lang ang lahat.

May nabuo pa ngang theory si Christopher na baka daw nakikita ko lang si Genius dahil namimiss ko siya.

Pero sa bandang huli, naniwala na talaga silang dalawa na multo talaga ni Genius ang nakakausap ko. Ramdam ko sa bawat salita nila ang pag-aalala. At lubos ko itong pinasasalamatan.

May tumigil na sasakyan sa aking harapan. Bumukas ang bintana nito at tumambad sa akin ang mukha ni Gyveneth. Lumapit na ako sa sasakyan para makaalis na kami.

Si Christopher yung nagdrive. Nasa tabi lang naman ng subdivision namin ang aming paaralan at hindi na namin kailangang tahakin ang National Road. Malimit din ang sasakyan sa loob ng subdivision kaya pinapayagan siya na magdrive.

Mabagal ang takbo namin. Ang radyo lang ang nag-iingay sa loob. Focus si Christopher sa daan habang si Gyveneth naman ay busy sa pagbabasa ng isang magazine. Ayaw ko naman silang madisturbo kaya kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang mag-Facebook.

Tumambad sa akin ang sandamakmak na notifications at messages. Ang iba ay galing sa mga schoolmates ko pero mas marami ang galing sa mga kaklase ko.

Puro condolences lang ang nababasa. Kahit alam ko na ang iba dito ay nakikiuso lang, natutuwa ako sa kanilang effort.

"Lheira. Eto oh! Notes yan sa Math at English for 2 weeks na absent. Sinulatan na lang kita. Basta, wag kang magrereklamo sa penmanship ko. Nakakatamad kayang magsulat." sabi ni Gyveneth sabay abot sa akin ng dalawang notebook.

"Salamat dito Gyveneth."

Ngumiti lang siya at bumalik na sa kanyang pinakamamahal na magazine.

Laking pasasalamat ko at may mga kaibigan ako na tulad nila. Mga kaibigan na tunay, hindi manggagamit.

Biglang tumigil ang sasakyan. Napasulyap ako sa labas. Sa wakas, nandito na kami sa harap ng paaralan namin. Kahit maaga pa ay nagkumpulan na ang mga estudyante sa corridor. Masyado kasing mahigpit ang school pagdating sa punctuality.

"Diba si Lheira yan?"
"Sinong Lheira?"
"Yung namatayan ng boyfriend!"
"Ay! Siya ba yun?"

Kahit hinihinaan pa ang kani-kanilang mga boses, nasasagap pa rin ito ng dalawa kong tenga. Ang sikat ko na pala.

"Lheira, ok ka lang ba? Kung gusto mong umabsent ay ihahati-"

"Wag na Pher! Kaya ko na ang sarili ko. " putol ko sa kanya. Napilitan na lang siyang tumango at nagpatuloy sa paglalakad.

Panay ang titig sa akin ng mga estudyante. Hindi mapanghusga, ngunit isang nakakaawang titig.

Naisip ko bigla si Genius. Nandito kaya siya ngayon at binabantayan ako? Sana ay makausap ko siya kahit saglit.

"Nandito na tayo!"

Napatitig ako sa pintuan ng aming classroom. 10-Charity. Napabuntong hininga na lang ako at saka sumunod kina Gyveneth at Christopher.

Bumungad sa akin ang isang napakatahimik na classroom. Hindi ko alam kung ano ang pinag-abalahan nila. Panay ang sulat nila sa isang malaking notebook.

"Wag kang mag-alala Lheir. Nagawan na kita ng assignment sa Araling Panlipunan." sabi ni Gyveneth nang makita niya akong nagtataka.

Biglang napatingin sa akin ang buong klase. Agad akong nailang at umupo na sa aking upuan para iwasan ang kanilang nakakailang na mga titig.

36 Pages (Slow Update)Where stories live. Discover now