2nd Page

91 88 2
                                    

Kabanata 2

D r e a m

MARAMI na ang mga tao ng makarating kami sa sementeryo. Halos lahat sa kanila ay nakaputi. Siguro, kalahati sa mga ito ay abala sa kanilang trabaho. Pero pinilit lang nilang makapunta dito, bilang pakikiramay.

Bumababa kami sa kotse. Natatanaw ko na ang malungkot na pamilya ni Genius, lupaypay at naluluha na. Nilapitan ko sila.

"T-tita, m-maganda-"

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa higpit na yakap ni Tita Garnet sabay bulong, "Pasensya na Iha! Malalaman mo rin sa tamang panahon."

"P-po?" nagtataka kong tanong. Ngumiti siya nang mapait. Napilitan lang din ako na ngumiti.

Lumapit sina Tita Vasil at Jamesee sa pwesto ko para makahanap ng mauupuan. Sumunod ako sa kanila na may pagtataka sa aking isip.

Ano ang kailangan kong malaman?

"Lheira? Ayos ka lang?" tanong ni Tita. Tumango na lang ako sabay ngiti. Isang ngiti na may bahid ng kalungkutan.

"Insan!" Biglang tawag sa akin ni Jamesee. Napalingon ako sa kanya.

"B-bakit?"

May inilagay siya sa aking kamay. Isang panyong may korteng bulaklak sa gilid nito. Medyo may kalakihan ito.

"Kung iiyak ka mamaya, iiyak mo lahat. Wag mong pipigilan. Nakakapangit yun!" nakangisi niyang sabi. Agad ko siyang binatukan.

"Aray! Bakit ka nanakit!" natatawa niyang sabi. Ngumiti ako. Isang totoong ngiti.

"Baliw!" tugon ko at tumingin sa malayo. Panandaliang ngiti lang yun. Dahil ang totoo kong nararamdaman ay lungkot at ulila.

"Tita Vasil, Lheira, at James. Magsisimula na ang misa para kay Genius." sabi ni ate Ayanna. Napansin ko ang pamamaga sa mga mata ni ate. Tumayo na kami at sinundan si ate na papasok sa simbahan.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa simbahan. Sa bawat hakbang, parang bumibigat ang aking paa. Parang may pumipigil sa akin na pumasok ng simbahan. Pero kahit ganun, patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pinto ng simbahan.

***

"Anaaaak!! Genius!" iyak ni Tita Garnet habang pinapasok sa isang kuwadradong lalagyan ang isang ginintuang kulay na vase.

Habang sumisigaw si Tita Garnet, hindi ko naman napigilan ang pag-iyak. Nais kong sumigaw pero parang umuurong ang dila ko.

"Iha! Lumapit ka." sabi ni Tita Vasil na naluluha na rin.

Dahan-dahan akong lumapit. At nang makalapit ako, agad akong umupo sa sahig at hinawakan ang vase. Doon ko na inilabas ang lahat ng natitira kong luha. Doon na ako humagulhol.

Wala na akong pake kung maraming tao ang nasa paligid. Umiyak ako nang umiyak. Wala akong pakialam kahit mamamaga ang mga mata ko.

May biglang humawak sa likod ko. Si ate Ayanna. Katulad ko ay umupo din siya sa sahig sabay iyak.

"G-genius! A-ang da-daya m-mo! Bakit i-ikaw yung nauna? Di-diba ako y-yung pa-panganay! La-ladies f-first, d-diba!"

Agad kong niyakap si ate at sinabayan ko siya sa hagulhol.

Lumapit na din sina Tita Vasil at Tita Garnet sabay yakap. Nahagip ng aking mga mata si Tito Prince. Nakasandal lang siya sa isang puntod, malalim ang kanyang iniisip. At katulad namin, naluluha din siya.

Pagkatapos ng aming pagluluksa, unti-unti na ding umaalis ang ibang nakikiramay. Nananatili pa rin ang aking paningin sa vase, kung saan nandoon ang abo ng aking pinakamamahal.

36 Pages (Slow Update)Kde žijí příběhy. Začni objevovat