11th Page

35 16 0
                                    

Kabanata 11

L o l a L o r n a

MALAPIT nang lumubog ang araw nang makarating kami sa aming destinasyon. Agad kong nilibot ang aking paningin sa buong paligid.

Mga matatayog na mga puno na napakapamilyar sa akin ang aking nakita. Nakapunta na ba ako rito?

"Ayos lang ba na iwan natin dito ang sasakyan Ma?" tanong ni Jamesee.

"Wala naman sigurong magnanakaw dito. Tayo na at dumidilim na ang paligid." sabi ni Tita.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanila habang inaalala ko kung nakapunta na ba ako rito.

Isang maliit na bahay ang tumambad sa aking paningin at ito ang naging sagot sa lahat ng katanungan ko. Nandito kami ngayon sa bahay ni Lola Lorna!

"Tita! Bakit di niyo sinabi na kay Lola Lorna pala tayo pupunta?" pagmamaktol ko.

Tumawa lang si Tita. "Gusto lang naming sorpresahin ka, Iha."

"At saka pinapunta din ako dito ni Lola Lorna nang malaman niya ang nangyari sayo. At dahil alam din niyang nandito sa Pinas si Stranger, sabi niya sa akin kanina ay nagluto siya ng banana cue." dagdag pa niya.

"Ate Lhei? If you can remember? May promise ka sa akin? Diba?" nakangiting sabi ni Stranger.

Kumunot ang aking noo at iniisip ang ibig sabihin ni Stranger. May ipinangako ba ako sa kanya?

"Di mo na matandaan? Hahaha. Yung nagkita tayo sa mall, sabi mo bibilhan mo ako ng banana cue araw-araw. Diba?" he added.

Oh my! Napahawak na lang ako sa noo ko. Nakalimutan ko talaga ang tungkol doon.

"Naku! Sorry Stranger! Nawala sa utak ko eh. Promise, babawi ako sa susunod." sabi ko habang tinataas ang aking kanang kamay.

Tumawa lang si Stranger at ginulo ang aking buhok.

"'Wag mo ng isipin yun ate, may mga susunod na araw pa naman eh. Kaya ihanda mo na ang pitaka mo ate dahil araw-araw na 'yang gutom."

Tumango na lang ako. Nakalimutan ko talaga ang tungkol doon! Salamat at 'di pa rin sinabi ni Stranger ang tungkol kay Genius.

Kumatok na si Tita sa pintuan.

"Tao po! Lola Lorna? Tao po!"

Nasundan pa 'yon ng tatlo pang katok pero wala pa ring sumasagot.

"Nakatulog kaya si Lola?" tanong ni Jamesee. Nagkibit-balikat kaming tatlo bilang tugon.

"Hala! Nakarating na pala kayo!"

Isang tinig mula sa aming likuran ang aming narinig. At alam na alam namin kung kaninong boses 'yon.

"Lola Lorna!"

Tumakbo kaming tatlo sa kanya at sinalubong niya kami ng isang mainit na yakap. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong ibuhos lahat ng lungkot at hinanakit ko sa kanya.

"Kumusta na kayo mga apo?" sabi niya. Bumitaw na sa yakap sina Jamesee at Stranger kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. I need her warm hugs, again.

She was my comfort zone dati. Kapag nalalasing si Tatay at magsisigaw na ito, agad siyang pupunta sa bahay para kunin ako. Magkakapitbahay lang kasi kami dati.

When my mother died, siya yung nagiging sandalan ko. Kapag hindi ako kumakain, halos lulutuin niya lahat ng paborito ko para daw makakakain na ako. At sa tuwing pagtulog, hinehele niya ako hanggang sa bibigat na ang aking mata.

36 Pages (Slow Update)Where stories live. Discover now