1st Page

130 87 9
                                    

Kabanata 1

T r a g e d y

MAGTATATLONG taon na kaming magkasintahan ni Genius. Hindi man perfect ang relasyon namin, masasabi kong masaya kami. Minsan, nag-aaway kami pero hindi matatapos ang araw na hindi naaayos ang problema namin. Genius will always find a way to solve it. Just like his name, he's genius to handle a situation.

Madali kasi akong magselos. Ewan ko pero sa tuwing may didikit sa kanya na babae, parang nawawala ako sa sarili ko. Kaya kadalasan, yun ang pinag-aawayan namin. Pero ngayon, kinokontrol ko na ang sarili ko dahil ayaw kong masira ang lahat dahil lang sa selos.

Humble. Yan si Genius. Matalino yan at palaging nananalo sa mga competition na sinasalihan niya pero kahit kailan, di ko siya narinig na nagmamayabang sa mga trophies na natatanggap niya. Isa siguro ito sa nagustuhan ko sa kanya.

"Min? Anong ginagawa mo?"

Agad akong lumingon sa 'king likuran at nakita ko si Genius na may dalang bulaklak.

"Min!" pasigaw kong sabi. Agad akong tumayo at niyakap siya. This guy never fails to surprise me!

"For my one and only Min!" sabi niya sabay abot sa akin ng bulaklak. Masaya ko itong tinanggap.

"Thank you, Min." I kissed him on his cheek which made him smile.

"I love you Min!" he said while looking intently at me. Namumula ako sa kilig.

"I love you too Min!" I replied and he kissed me on my forehead. A sign of respect. Sabi nga nila, ang halik sa noo ang pinakasweet sa lahat.

"Min! Alis na ako ha? May training kasi ako ngayon sa swimming! Gusto mong sumama?" he said. I shook my head.

"Hindi na. Support na lang kita sa mismong competition. Mag-aabsent talaga ako para sayo!" I exclaimed.

"Min, wag kang umabsent para lang sa akin. Don't sacrifice your grades for me. Isang God bless at I love you message, sapat na!" and he winked.

"Okay Min! I love you!" I kissed him again on his cheek.

"I love you too, Lheira. Always remember that!"

Hinalikan niya ako sa noo at sumakay na sa kanyang motor. I watched him as he wears his helmet.

"Lheira! Pumasok ka na sa loob!" sigaw ng pinsan ko si Jamesee. Yan yung pinsan ko na napaka-bossy. Para talaga siyang mas matanda sa akin. Nagmana ata siya kay Boss Madam.

"Papasok na po mahal na prinsipe!" sabi ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Tita Vasil. Simula nong namatay si Mama, dito na ako tumira. Palagi na lang kasi naglalasing si Papa. Di kasi niya matanggap na namatay si Mama sa sakit na kanser.

"Lheira, maghahapunan na tayo. Nasaan si Jam? Tawagin mo nga yung batang yun!" sabi ni Tita. Imbes na sisigaw ako, nilapitan ko si Jamesee sa sala.

"Mahal na prinsipe, kakain na daw." sabi ko. Agad niyang inilapag ang cellphone niya sa mesa at pumunta na sa kusina.

Sumunod na lang ako sa kanya. Di ko alam kung bakit, pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang mga gawi ni Mama. Iba kasi si Mama sa mga ibang ina eh. Hindi siya sisigaw pag tatawag sa amin pag alam niyang nasa loob lang kami ng bahay. Kaya siguro naging magulo ang bahay namin ng nawala siya.

"Oh? Bakit natulala ka dyan, Lheira?" tanong ni Tita sa akin. Agad naman akong bumalik sa sarili ko. Ngumiti ako.

"May naalala lang po Tita Vas! Sige po, kain na tayo!" sabi ko sabay salok ng sabaw at tinikman ko ito.

"Wow! Ang sarap po talaga ng luto ninyo Tita!". Tila natuwa naman si Tita sa reaksyon ko.

"Sus! Bolera ka talagang bata ka! Sige, kain ka pa!" nakangiti niyang sabi. Ngumiti ako. Sobrang swerte ko pa rin kahit nawala ang ilaw sa aming tahanan. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Tita Vas sa akin.

36 Pages (Slow Update)Where stories live. Discover now