8th Page

79 62 0
                                    

Kabanata 8

E y e s & M y s t e r y G u y

UMALIS na ang sasakyan ni ate Ayanna pero napako pa rin ako sa posisyon ko. Hindi ko maintindihan kung bakit malungkot ang titig ni Genius sa akin? May nagawa ba akong mali?

After a long stare, he vanished. At doon na ako nakagalaw. Was he controlling me or something?

Naging kakaiba na ang mga mata niya. When he was alive, his eyes were grey. Pero kanina, medyo nagiging pitch black na siya. Maybe because he's dead?

Umiling na lang ako at binuksan ang gate. Sigurado naman akong magkikita pa kami ni Genius mamaya. Doon ko na lang siya tatanungin if may nagawa ba akong mali?

Nadatnan ko sila Tita sa sala. Nanonood sila ng isang movie na "5th Wave". Nagtatalo pa nga sina Stranger at Jamesee about the 5th Wave. They kept on guessing what is the 5th wave. Ang sabi ni Jamesee, baka daw tornadoes or shark attack. Ang kay Stranger naman, ghost attack.

Ayun, natapos na rin ang movie and in the end, wala sa kanila ang nakahula. The 5th wave is the children. And wala na akong naiintindihan about the movie.

"Iha, kailan ka ulit papasok sa paaralan?" out of nowhere na tanong ni Tita. Bigla ko tuloy naalala ang mga moments namin ni Genius sa loob ng campus.

"Bukas siguro Tita." sabi ko. Tumango na lang si Tita at sinita ang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag-move on about sa 5th Wave.

Umakyat na ako at pumasok sa aking kwarto. Hindi na ako naghilamos dahil parang hinahatak na ako ng kama. Agad na akong humiga rito at pinikit ang aking mga mata.

Bigla na lang akong nagising nang kumulog ng malakas na sinundan ng isang kidlat na sa tingin ko ay tumama sa lupa. Napabangon ako at sinubukang buksan ang ilaw pero hindi ito umiilaw. Brownout ata.

Kahit madilim ay pinilit kong bumaba para tignan sina Tita. Dahan-dahan akong bumaba.

"Tita?" tawag ko sa kanya. Walang sumagot. Hindi ba sila nagising sa malakas na kulog at kidlat kanina? Weird!

"Jamesee! Stranger! Gising na ba kayo?" tawag ko sa dalawa. Walang sumasagot. Pinihit ko na lang ang door knob sa kwarto nina Jamesee.

Bakit walang tao? Wala sina Jamesee at Stranger sa kama nila. Nasaan kaya ang dalawang yun? Isinara ko ulit ang pinto at pumunta sa kwarto ni Tita.

Wala din si Tita. Anong nangyari? Bakit pareho silang nawala? Napabaling ang aking tingin sa kusina. Dahil sa liwanag galing sa kidlat sa labas, nakikita ko ang isang lalaki na nakatayo. Nakatingin siya sa labas habang ang kanyang mga kamay ay nakatago sa kanyang bulsa.

Pula ang kanyang mga buhok at tila kakaiba ang kanyang kasuotan. May bisita ba si Tita na hindi ko alam?

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kanya. Sinubukan kong hindi makalikha ng kahit ano na ingay.

Sa bawat hakbang ko, tila lumalakas ang pintig ng aking puso.

Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.

"Lahat ng hiling, may kapalit. Sa maling desisyon kumakapit. Gumising ka munting pipit. Baka buhay ng mga mahal mo'y maipit." sabay kulog ng malakas.

Bigla akong napabangon. Tumingin ako sa bintana. Tirik ang araw. Walang ulan. Panaginip lang ba yun?

Dali-dali akong bumangon at naghihikahos na bumaba. Napabuntong hininga ako nang nadatnan ko sina Tita, Stranger, at Jamesee na kumakain.

"Iha! Gising ka na pala! Kanina pa kami katok ng katok, ayaw mong gumising. Halika ka na dito at mag-agahan." aya niya.

36 Pages (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon