7th Page

69 69 0
                                    

Kabanata 7

S e c r e t

UMUWI na si ate Ayanna. Pinagmasdan ko ang kanyang sasakyan na papaalis dito. Napabuntong hininga ako. Kahit kailan ay hindi ko hahayaang kunin nila sa akin si Genius.

Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko na ang notebook at nagsimulang magbasa. Nasa ika-labindalawang pahina na pala ako. Binasa ko ito.

Min,

Naalala mo pa ba itong kanta na 'to?

May nagmamahal na ba sayo
Kung wala, ako na lang

Diba iyan yung kinanta ko nong naging broken-hearted ka? Yung iniwan ka ng walang hiya mong ex?

Salamat nga pala sa pagbibigay mo sa akin ng chance na makapasok sa buhay mo. Pangako, sa abot ng aking makakaya ay sisikapin kong hindi ka sasaktan at higit sa lahat di ka iiwan.

Min

Bakit sa bawat basa ko nang mga liham niya, naiiyak talaga ako. Tinotoo naman ni Genius ang pangako niyang di niya ako iiwan.

"Iha? Gising ka pa?" narinig kong tawag ni Tita sa akin.

"Gising pa po ako, Tita. Pasok po kayo, bukas po ang pinto." sagot ko.

Naka-pantulog na damit si Tita nang pumasok siya sa kwarto. Bumangon ako at umupo sa tabi ng aking kama. Tinabihan ako ni Tita.

"Iha, napansin ko kanina na balisa ang mukha ni Ayanna kanina. Maya-maya, may sinabi atang mali si Ayanna na siyang dahilan ng pagkabalisa ng mukha mo. Sabihin mo sa akin, si Genius ba yung pinag-uusapan niyo?" diretsong tanong ni Tita. Natahimik ako.

"Kung tungkol ito sa kaluluwa ni Genius na hindi matahimik, kailangan na talaga ninyo ng tulong ng mga eksperto. Mahirap ang sitwasyong iyan para kay Genius. Dahil patay na siya, kailangan niyang magpahinga." saad ni Tita. Hindi ako umimik. Hindi ko maiwasang isipin na totoo ang sinasabi ni Tita.

"S-sige po, Tita! Matutulog na po ako. Good night!" sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang kumot ko.

Tumayo si Tita. Bago siya lumabas, may mga salita siyang iniwan sa akin.

"Alam kong nahihirapan ka sa pagkawala niya. Pero nahihirapan din siya. Hindi mo ba kayang magsakripisyo kahit isang beses lang para sa kanya?" at tuluyan na siyang umalis sa kwarto.

Tulala pa rin akong nakatingala sa kisame. Nalilito ako pero buo na ang desisyon ko.

Wala namang sinabi si Genius na nahihirapan siya. Ang naalala ko lang ay babasahin ko ang notebook na naglalaman ng kanyang sulat sa akin. Wala siyang sinabi kung bakit.

Napakamot na lang ako sa ulo at pinikit ang aking mga mata. Madilim. Siguro kung hindi bumalik si Genius ay mananatiling madilim ang aking mundo.

Ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Palaging tumatakbo sa isipan ko ang pakiusap ni ate Ayanna. Tila binabagabag ako ng aking konsensya.

Nais ko mang gawin ang pakiusap niya ay hindi ko kayang paalisin sa tabi ko si Genius. Oo, multo siya at tao ako. Malayo ang pagitan namin sa isa't isa. Nahahawakan ko lang siya sa aking panaginip.

Pero sapat na iyon para sa akin. Sapat na sa akin ang makita siya, kahit sa panaginip lang. Siguro, hindi nila ako maiintindihan dahil hindi nila hawak ang puso ko.

Nagmahal lang naman ako, pero ang pagmamahal na hawak-hawak ko na ay kinuha sa akin ng tadhana. Totoo nga ang sabi nila, sobrang mapanukso ang tadhana. Kung saan ka masaya, ito pa ang mawawala sayo.

36 Pages (Slow Update)Where stories live. Discover now