10th Page

44 32 0
                                    

Kabanata 10

A T a l k W i t h F a t e

WHO is that Fate? Isa ba siyang anghel o kupido? Galing ba siya sa ibang dimension or galaxy kaya naweweirduhan ako sa kanya? Is he on drugs or something?

Maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan habang nakahiga ako sa aking kama. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kanina ko pa ipinipikit ang aking mga mata ngunit walang epekto. Tanging pinapalala lamang nito ang kuryosidad ko sa lalaking yun.

Tumagilid na lang ako at hinarap ang nakasaradong bintana. Sino ka ba talaga, Fate?

"Gusto mo bang malaman ang katauhan ko?"

Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkahiga. Tumambad sa akin ang nakaupong si Fate habang hawak-hawak ang notebook na 36 Pages.

"P-paano ka n-nakapasok?" nauutal man ay pilit kong nilalakasan ang aking loob.

Inilapag niya ang notebook sa sahig at tumayo. Napaatras ako sa aking kama, dahilan ng kanyang pagtawa.

"Relax! Hindi ako nangangain! Vegetarian ako kaya wag kang OA!" pabiro niyang sabi.

Biglang lumutang ang notebook na siyang ikinagulat ko. Bumukas ito at nagtungo sa ika-13 na pahina.

"Isang linggo na ang lumipas mula ng napasakamay mo ang dapat sana'y regalo niya sayo sa ika-tatlo niyong anniversary."

"A-ano?" nalilito kong sabi. "Regalo para sa 3rd anniversary namin?"

Tumango ito. Biglang nagsitanggalan ang 12 pahina at nawala nang parang bula.

"Anong nangyari? Bakit yun nawala?" panic kong sabi.

"Tapos mo na yung basahin kaya magiging ganun na lang yun. Babalik din yun kapag natapos mo na ang dapat kong gawin." sabi niya.

"Dapat kong gawin? Eh, sino ka ba? At anong sabi mo? Bakit alam mo ang mga bagay na iyan?" sunod-sunod kong tanong.

"Teka. Isa-isahin natin yang tanong mo. Una. Ano ang dapat mong gawin? Dapat basahin mo na lahat ng nilalaman ng notebook na 'yan para makapagpahinga na si Genius. Pangalawa. Sino ako? Maraming beses ko ng sinabi ang pangalan ko tapos di mo matandaan. It's Fate. Capital F, a, t, and e. Fate. Pangatlo. Anong sinabi ko? Nah! Walang ulitan sa bingi. At panghuli. Bakit ko alam ang lahat ng ito? Dahil ako si Fate. Period."

Napanganga na lang ako sa mga sinabi niya. Di ko alam kung matutuwa ba ako na sinagot niya lahat ng tanong ko o maiinis dahil sa pambabara niya sa akin?

"So, kung si Fate ka, anong kinalaman mo sa buhay ko? Bakit mo ako sinusundan? Anong nilalang ka ba? Bakit ka nandito? Baki-"

Tinakpan niya ang bibig ko sabay lagay ng kanyang daliri sa kanyang bibig.

"Ang dami mo namang tanong. Sige, sasagutin ko yan lahat. Pang-anim. May kinalaman ako sa buhay mo. Kailangan ko kasing magpahinga dahil napapagod na ako sa inyong dalawa ni Genius kaya nangingialam ako. Pang-pito. Excuse me? Hindi kaya kita sinusundan? Tss. Pang-walo. Nandito ako dahil tinawag mo ako. Nakakainis yang kuryosidad mo. At pang-siyam. Isa akong Soul Retriever. Okay na po ba, Ma'am?"

"Soul Retriever? Taga-kuha ng kaluluwa?"

"Ay hindi. Taga-kuha ako ng luya sa bahay kubo." sarkastiko niyang sabi. "Boy Abunda ang peg mo?"

"Seryoso ako." seryoso kong sabi sa kanya. Bigla siyang tumahimik. Binalot ang buong kwarto ng isang nakakabinging katahimikan.

Bumuntong-hininga ako at binasag ang katahimikan.

"Ano ba ang koneksyon mo sa akin?"

Tinignan niya ako sa mata. "Ako si Fate..." mahinahon niyang sabi. "Ako'y isang soul retriever at nakaassign ako sa kaluluwa ni Genius."

36 Pages (Slow Update)Where stories live. Discover now