3rd Page

88 91 2
                                    

Kabanata 3

L e t t e r s

GULONG-GULO ang isipan ko nang pumasok ako sa aking kwarto. Si Genius kaya yung lalaki kanina? Kawangis niya ang lalaking nasa panaginip ko. At ang lalaking nasa panaginip ko ay si Genius!

"Umaga, Min. Maghintay ka."

Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang mga katagang iyan. Napahiga ako sa kama. Pumikit ako. Di naman siguro ako minumulto ni Genius, diba? Panaginip lang yun. Isang panaginip.

Napatingin ako sa kisame. Teka, umulan ba? Tumayo ako sabay punta sa bintana. Hindi naman umuulan ah? Bakit basa yung kisame sa kwarto ko?

Tuwing umuulan kasi nababasa yung gitnang bahagi ng aking kisame. At ngayon, basa siya pero wala namang ulan.

"M-min..."

Nagulat ako sa aking narinig. Isang bulong. Isang mahinang bulong.

Nakakatakot man ay dahan-dahan akong lumingon sa aking tagiliran.

Napabangon ako nang makita ko si Genius! Nakaupo siya sa paborito kong silya. Kahit nakayuko siya, alam kong si Genius yan.

Nanginginig akong lumapit sa kanya. Natatabunan ng ulila ang nararamdaman kong takot.

"Min? Ikaw ba yan?" Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Di nga ako nagkakamali, si Genius nga!

Walang pag-aatubiling niyakap ko siya! Napaiyak ako sa tuwa! Kung panaginip man ito, sana di na ako magising.

"M-min! Ka-kailangan k-ko ng tu-tulong!" sabi niya. Tila hirap siya sa pagsasalita.

Napangiti ako. "Tulong ba Min? Ano yan? Tutulong ako! Kahit ano pa yan Min!" naluluha kong sabi. Tumingin siya ulit sa akin. Saka ko lang napansin ang pagod niyang mga mata.

"P-pwede mo bang b-basahin ang n-notebook? I can't e-endure the l-loneliness, Min?" sabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Notebook?

"Min? A-anong notebook?" tanong ko. A tear escaped from his right eye. Pupunasan ko na sana yun nang bigla siyang naglaho ng parang bula.

Napaupo ako sa sahig at napaiyak. Am I carried away? Nasira na ba ang isip ko? Kailangan ko na bang tumawag ng psychiatrist?

Pero nandito talaga siya kanina. I do believe in ghost. Tumigil ako sa pag-iiyak. He said earlier he needs help. At babasahin ko daw yung notebook. Aling notebook?

Teka. Yung notebook na ibinigay sa akin ni Tita Garnet sa hospital. Yung notebook na may nakasulat na "36 Pages".

Tumayo ako at hinanap ang notebook. Nawala sa isipan ko kung saan ko iyon inilagay. Ang tanging naalala ko ay hawak-hawak ko ito nong nasa hospital pa ako.

Sinubukan kong hanapin sa mga shelves ko ang notebook. Wala ito doon. Hinalungkat ko na rin ang mga drawers at closet ko. Wala talaga!

Napatigil ako sa paghahanap ng may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin si Tita Vasil at tila may bitbit siya.

"Lheira? Sayo ata tong kwaderno na naiwan sa sasakyan. Ito ata yung ibinigay ni Garnet nong nasa hospital tayo!" sabi niya. Agad niyang binigay sa akin ang notebook. Eto nga!

"Salamat Tita!" sabi ko. "Magpahinga ka lang dito, maglalaba lang ako." sabi niya sabay alis. Agad kong nilock ang pintuan.

Umupo ako sa kama. Binuklat ko ang notebook sa unang pahina. Puro mga puso na naka-drawing ang makikita sa unang pahina. Napangiti ako. Sigurado akong gawa ito ni Genius!

36 Pages (Slow Update)Where stories live. Discover now