Chapter 30: Visit

490 7 1
                                    

Chapter 30

Weeks after makalabas ni Christian ng hospital, nagresign na siya sa company nila. He was really serious about it. He's leaving everything behind. Lahat ng connections niya sa pamilya niya, pero maliban sa Mama niya, pinutol na niya.

He did all of this for our relationship. I know I should be happy, pero nag-aalinlangan pa rin ako. Oo, magkasama nga kami, pero may naapektuhan namang iba. Yung ties nya sa pamilya nya pinutol nya para samin..para sakin. I couldn't be completely happy.

Naghahanap pa rin siya hanggang ngayon ng trabaho, and unfortunately wala pa ring tumatanggap sa kanya, to think na Cum Laude siya from UP Diliman and all. He has the guts. Nakikita ko naman mga resume na ginagawa niya. Sometimes he would call and tell me na ang ganda ng naging interview nya at nararamdaman na niyang matatanggap siya at kailangan na lang naming hintayin yung tawag, pero madidisappoint kami pareho dahil never na may tumawag sa kanya. Hindi ko maiwasang isiping nasa likod ng lahat ng to ang Papa niya. He would never stop hanggang hindi niya kami napaghihiwalay. Pero pwedeng hindi rin. I don't know. And I really hope na sana hindi siya ang may kagagawan ng lahat ng to.

---

It is Sunday at nandito ako sa condo ni Christian. I am waiting for him to go home. Sunday na Sunday pero nasa labas siya ng bahay at naghahanap ng trabaho. These days tuloy di na kami masyado nagkakasama dahil may work ako at siya naman busy sa job interviews. He called me this morning to tell me that he wants to see me at pumunta daw ako sa condo niya para naman mapawi yung pagod niya pagdating dito pag nakita nya ko. How sweet of him.

Miss na miss na namin ang isa't isa. Twice a week na lang yata kami magkita.

Maaga na kong pumunta dito para naman makapagprepare ako ng dinner namin. Quarter to 4 pa lang, nagluto na ko. Hindi ko kasi alam kung anung oras siya matatapos. Ayoko naman siyang tawagan para hindi ko na siya maistorbo sa interview nya.

Nag-edit na lang ako ng pictures sa shoot namin kahapon para hindi masayang ang oras ko. Tapos na naman akong magluto at wala na kong ibang gagawin.

Then suddenly, may nagdoorbell. Binaba ko na agad ang libro ko at pumunta na sa pinto. Nakakatuwa naman dahil hindi siya ginabi ng uwi.

I opened the door smiling, pero nagulat ako nang hindi si Christian ang tumambad sa harap ko.

Ang Papa niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napatulala na lang ako sa kanya. He was the first one to speak.

"So you two are living together now?" Tulad ng dati, lagi pa ring sarcastic kung magsalita siya.

"A-ah.. Hindi po. Bu..bumisita lang po ako." At tulad pa rin ng dati, kinakabahan ako pag kausap ko siya.

Hindi siya sumagot sa tanong ko and his face is so freaking serious. Parang gusto nya kong kainin ng buhay.

Ako na lang ang nagsalita. "Uhm.. Pasok muna po kayo."

Pumasok na siya at sinara ko na ang pinto. I led him to the living room at pinaupo siya.

"Ah..uhm.. Tatawagan ko po si Christian. Sasabihin ko pong nandito kayo."

Kinuha ko agad ang phone ko sa bag ko sa table sa sala para tawagan si Chris, pero nung idadial ko na yung number nya, nagsalita bigla ang Papa niya.

"No need to call him."

Napatingin ako sa kanya at nagtaka. "A o sige po. Si..siguro po pauwi na si Chris.." Baka hihintayin nya na lang.

Chris, umuwi ka na. Hindi ko na kaya ang sitwasyon dito.

"No. We can talk. Or I mean, si Christian naman talaga ang kakausapin ko. Pero since nandito ka, pwedeng ikaw na lang."

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now