Chapter 11: Anniversary

594 4 0
                                    

Chapter 11

3rd anniversary namin ngayon ni Christian. Every year, sa araw na to, nagdedate kami. Yun bang kailangang maingat dapat, hindi pwedeng makita kami ng mga spies ng pamilya niya. This year, naisip naming sa EK pumunta, then after that manunuod kaming sine.

Magkikita na lang kami sa Enchanted. Di kami pwedeng sabay pumunta. Maraming makakakita.

Pagdating ko, nakita ko siya agad, may dala na siyang tickets. Nakakatawa nga, nakashades pa siya, saka nakacap. Todo disguise.

Ako naman, hindi ako mapakali. Huminto muna ko sa paglalakad. Baka mamaya ayan lang yung spies sa paligid kaya inikot ko muna mata ko. Lagot kami pag nagkataon.

My phone rang. Si Christian, tumatawag. Sinagot ko agad. "Babe, wag ka nang mag-alala dyan. 3rd year na natin gagawin to. So far wala naman silang ginagawa diba? Kaya tara na. Isang araw lang naman."

I nodded. I ended the call at pumunta na sa kanya. Tinanggal na rin nya shades and cap niya.

I panicked. "Bakit mo tinanggal? Huy ibalik mo yan dali!" Baka may makakita saming magkasama. Hindi na talaga ko mapakali.

"Chill, Babe." Nakuha nya pang ngumiti!

"Pag may nakakita satin, baka kumalat. Sikat ka pa naman sa school. Baka umabot sa pamilya mo. Ano ka b-"

He kissed me quickly - just enough to send shivers through my bones. "Happy Anniversary, Babe. I love you. Sobra."

Imbis na sagutin siya, sinuntok ko siya nang mahina sa bandang balikat niya. "Bakit ang dali para sayong gawin to?" Natatakot lang naman ako. Ayokong irisk yung isang araw kapalit ng relasyon namin.

"Hannah, nahihiya na kasi ako sayo. Alam ko, nahihirapan ka sa sitwasyon natin. I'm sorry. Gusto ko lang naman ibigay yung araw na to sayo. Gusto ko maranasan mo yung mga nararanasan ng ibang mga babae dyan. I just want to make you happy. Kahit ngayong araw lang, Babe. I want us to remember this day - yung wala tayong pakialam sa paligid natin. Yung tayo lang. Please?"

*tsup*

I kissed him on the cheeks. "Ang daldal mo. Tara na nga!" Deep inside sobrang natouch ako sa sinabi niya. Di nya alam gung gaano niya ko napasaya. Hinila ko na siya papuntang entrance. I held his right hand and intertwined our fingers.

"Happy Anniversary din, Chris. Mahal kita." He smiled and then kissed my hair.

Sa araw na to, kami lang, wala nang iba.

---

After namin sa EK, pumunta kaming MOA para manuod ng sine. Last full show.

Namili na ko nang papanuorin ko and found out na palabas nga pala yung Dear John. Napangiti ako. Yun yung first conversation namin - nung inagaw niya yung libro na yun sakin. I smiled at the thought.

"Ui Han, Dear John o. May naaalala ko..." Laki ng ngiti niya. "Tara yan na lang panuorin natin."

"Okay. Tara." Holding hands pa rin kami. Di nya na ko binitawan kamay ko mula kanina. Syempre, susulitin na namin to. Bukas kasi back to normal na naman.

Alam ko na naman yung mga mangyayari dahil nga nabasa ko na. Kaya chill lang akong nanunuod. Tiningnan ko si Christian, seryosong-seryoso.

Long distance relationship yung plot ng movie.

Nawala sa isip ko yun. Ganto yung sitwasyon tapos eto pa pinanuod namin.

Kinalimutan namin ang lahat-lahat ngayong araw, pero hindi kami sigurado kung anong mangyayari bukas. Pano kung may nakakita saming magkasama at makaabot sa pamilya niya? Paghihiwalayin nila kami. Natatakot ako. Baka maging katulad kami ng mga bida sa Dear John. Kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa, hindi nagwork-out relationship nila. Ayokong umabot kami sa ganun.

Di ko namalayan, nahigpitan ko pala ang hawak sa kamay niya.

"Babe, what's wrong?" He asked me. Umiling lang ako.

"Wala." Nilagay ko yung ulo ko sa balikat niya, then tumingin ako sa kanya. "I love you."

"Mas mahal kita." He squeezed my hand then kissed it.

Christian Dy - EnrichKde žijí příběhy. Začni objevovat