Chapter 27: The Truth

514 4 3
                                    

Chapter 27

Hindi na muna bumalik si Christian sa China. Tumawag naman siya sa Papa niya at sinabing mag-eextend siya dito dahil marami pang kailangang tapusing trabaho, kahit ang totoo nyan, gusto nya daw magstay para sakin.

Until this day hindi ko pa rin sinasabi kila Kate yung tungkol samin ni Christian. I trust them, pero ayoko na kasing irisk yung relasyon namin sa pangalawang pagkakataon. Nung nalaman ng lahat dati yung tungkol samin ni Christian, hindi naging maganda ang consequence. Nalaman ng Papa niya at nakagawa siya ng paraan para mapaghiwalay kami.

Sapat na yung ganitong kaming dalawa lang ang nakakaalam. Mas doble ang ingat ko.

---

Buong araw nang di tumatawag si Christian. Kapag naman tinatawagan ko siya, hindi siya sumasagot. Hindi rin niya nirereplyan ang texts ko. Alas-onse na ng gabi pero wala pa rin. Ngayon lang nangyari to kaya hindi ako mapakali.

Ikot lang ako ng ikot sa sala nang biglang tumunog ang phone ko. Agad-agad ko namang sinagot. Si Christian.

"Babe? Saan ka? Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko? Nag-aalala ko sayo, alam mo ba yun?"

"Ah, sorry miss. Ikaw ba yung girlfriend ni Sir? Kanina pa kasi siya dito sa bar e. Lasing na lasing. Magsasara na kasi kami pero ayaw nya pang umalis."

Si Christian, naglalasing?! Kelan pa?

"Uhm.. Pano mo nakuha phone nya?"

"Naku maam! Naagaw ko lang. Ayaw ngang ibigay e. E pinilit ko nang kunin kasi nga ayaw umuwi e magsasara na kami."

Muka namang nagsasabi ng totoo yung tumawag kaya tinanong ko na rin kung saang bar yun.

Nagmadali akong nagbihis at lumabas ng subdivision. Magtataxi na lang ako dahil sigurado namang may sasakyang dala si Chris. Kailangan ko nang puntahan agad siya dun. Nakakahiya dun sa tumawag, baka matanggal pa sa trabaho kapag di siya nakapagsara ng bar on-time.

Habang nasa byahe ako, napaisip ako kung bakit siya naglasing at kung bakit hindi siya tumawag maghapon. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pero naiinis din ako sa kanya sa mga ginagawa niya. Gusto ko nang makita siya agad-agad.

Pagdating ko doon, nakita ko si Christian sa bar counter at nakasubsob ang muka nya dun. Merong nakabantay sa kanya na lalaki at napatingin sakin nang dumating ako.

"Maam! Buti po nandito na kayo."

Malakas yung pagkakasabi nung lalaki kaya parang naalimpungatan si Christian at nakita niya ko. Napaayos siya ng upo.

Nagkatitigan kami.

Nagagalit ako dahil hindi na siya yung responsableng Christian na nakilala ko na hindi nagpapakalasing ng ganito. Naiinis ako dahil hindi nya ko tinawagan buong araw at di rin nya sinasagot ang calls ko. Naiinis ako.

Pero nawala bigla yung galit ko nung nakita kong ang lungkut-lungkot niya.

Christian, ano ba talaga ang problema?

Lumapit na ko sa kanya. "Chris, ano ba tong ginagawa mo? Tara umuwi na tayo."

Pero imbis na sagutin nya ang tanong ko, tumayo na siya at nilagpasan nya lang ako.

Nasaktan ako nun. Pakiramdam ko galit siya sakin. Sinundan ko siya.

Nakalabas na kami ng bar at di nya ko nililingon. Hindi na lang ako nagsalita.

Nakarating kami ng parking lot ng ganun-ganun lang. Hindi niya pa rin ako nililingon. Huminto siya nang nasa harap na siya ng kotse niya.

Nakalapit na din ako at tiningnan ko ang expression nya. Tulala pa rin na malungkot. Walang pinagkaiba sa kanina.

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now