Chapter 6 : Babe

685 7 4
                                    

Chapter 6

Hinatid na ko ni Christian samin. Medyo parang masama ang pakiramdam ko. Dala siguro nang pagpapaulan namin kanina.

* Christian calling...

2 hours pa lang ang nakakaraan, pero eto siya, tumatawag. Lokohin ko nga. "Hello. Ikaw ha. Namimiss mo agad ako nyan?" :))

"Hmmm."

"Hmm ka dyan. Bahala ka nga. Matutulog na ko." Kunwaring nagtataray, pero sa totoo lang hindi matanggal yung ngiti ko.

"Hmmm." Kanina ang sweet sweet, tapos ngayon ganyan na siya. Medyo naiinis na ko, dahil na rin sa sama ng pakiramdam ko.

"Kung wala kang sasabihin, ibababa ko na to."

SILENCE.

Walang nagsasalita saming dalawa.

"Christian, ibaba ko na talaga." Ano bang problema nya?

"Babe." Nakakainis na siya.....b-babe? Huh? Babe?

(A/N: Sobrang namiss ko lang si Maria at Luis.)

"B-b-babe ka dyan." Pulang pula na naman ako. Lagi na lang niya kong pinapakilig.

"I love you, Han. Hindi ako magsasawang sabihin sayo yan. Ang sarap pala ng ganito. Kung matagal na kong umamin, ade sana ganto na ko kasaya dati pa..

"Gusto ko lang marinig talaga boses mo bago ako matulog." Bakit parang ang lungkot nya? Kinikilig ako, pero at the same time kinakabahan ako.

"I love you, too, Christian. May problema ba? Dito lang ako. You can tell me."

"Oo e. Malaki. Pero ayokong problemahin mo din yun. Ang mahalaga, masaya tayo ngayon. Han, natatakot ako na baka pag nasabi ko sayo, iwanan mo ko." Bakit niya naiisip yun? Ilang oras pa lang nung maging kami, pero iniisip na niyang iiwanan ko siya.

"Kakaamin lang natin sa isa't isa pero iniisip mong iiwanan na kita agad? Really, Christian, tell me the problem." Kinakabahan na talaga ko.

"Let's promise each other..na kahit anong mangyari, we'll stay together."

"Yes, we will. So now, anong problem?"

"Bukas, Han. I will tell you. Promise. Babe, sige na, tulog ka na. I'll pick you up tomorrow." He told me.

"Gusto ko ngayon na, Chris. Hindi ako makakatulog nyan kakaisip. Kinakabahan ako."

"Wag na makulit, basta bukas. Tulog na." Sana di na lang niya sinabi. Di talaga ko mapakali.

"Hmm, sige. Basta bukas ha? Sige, Babe, este C-C-Chris." Patay. Christian, ikaw lang ang nakakagawa nito sakin. =__=

"Wow naman. Sarap pakinggan. Wala nang bawian yan ha? Sige..BABE, tulog na tayo. I love you." Idiniin nya talaga pagkakasabi ng "babe".

"Oo na, oo na. Good night, Chris. Baba mo na to. See you tomorrow." Napipikit na ko...

"I love you. Dream of me." He said, then I fell asleep with a smile on my lips.

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now