Chapter 29: Awake

503 5 1
                                    

Chapter 29

One week na simula nung bumisita ang Papa ni Christian sa ospital. Hindi ko na lang muna masyadong iniisip. Mas nagfofocus ako sa kay Chris ngayon. Bahala na muna kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. What's important is Christian's condition.

Pumapasok na ulit ako sa work ko, pero tumutuloy ako sa ospital pagkatapos. Doon na ko natutulog.

Gusto ko ako ang una niyang makikita paggising niya. I want him to know that I would never leave his side ever again, and I'm here - keeping that promise.

---

It's 5pm and I'm getting off work nang tumawag si Mike. Nasa ospital sila ni Kate ngayon at binabantayan si Chris.

"Hello Mike?"

Ang tagal nya bago sumagot.

"Mike? Dyan ka pa? Bakit ka napatawag?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam. Basta kinakabahan ako.

"Hannah, si Chris.."

"Chris? Anong nang-"

Namatay ang phone ko. Hindi ko na natuloy ang tanong ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali. Si Chris.. Kinakabahan ako kung anong nangyari sa kanya.

Nanginginig akong kinuha ang gamit ko at nagmadali nang umalis ng studio.

Chris.. Hindi mo naman ako iiwan diba? Nangako ka.

Nangako ka.

Binilisan ko na ang pagdadrive ng kotse. Gusto ko nang makita si Christian.

---

Nakarating na ko ng ospital at binilisan ko ang lakad papunta sa kwarto ni Chris.

Nang makarating na ko ng pinto, natigilan ako sa sobrang kaba. Parang ayokong pumasok na gusto ko din. Hindi ko alam. Natatakot ako sa kung anong nangyari. It's either good or bad.

I could not lose him. I just couldn't.

Kakatok na sana ko nang bumukas ang pinto.

"Hannah.." Si Kate.

"Kate.."

Ngayon na tumulo ang luha ko na kanina pang hindi lumalabas. I don't know how or why, pero naiyak na lang talaga ko. Kaba, lungkot.. Naiyak na lang talaga ko.

"Umalis lang sandali si Mike. Ako ang naiwan dito. Hannah.."

She held my hand.

"Friend pasok ka na."

Umiling ako. Basta parang hindi ko pa kayang pumasok. Natatakot ako.

"Si Chris, Kate..ano bang nang..nangyari?" Iyak pa rin ako ng iyak. Pinagtitinginan na nga kami ni Kate ng mga taong dumadaan sa labas e.

"Hannah."

Hinila na ko ni Kate papasok ng kwarto at nagulat ako nang walang Christian sa loob. Wala siya sa kama niya.

Lalo akong napaluha.

"Chris.. No.. Chris.."

My knees weakened. I covered my mouth to stop myself from sobbing.

I turned to Kate at iyak lang ako ng iyak. "K-Kate.."

Imbis na icomfort nya ko, nabigla ako nang natawa siya ng malakas. Napahawak pa siya sa tiyan na.

"Gosh Hannah! Hindi ko kaya to! Lalabas na muna ko!" Tawa pa rin siya ng tawa. "Ayun si Christian, nasa CR lang. Sorry friend pero lalabas na muna talaga ko!"

Huh?

Lumabas na siya ng kwarto at tawa ng tawa at iniwan ako dun mag-isa. Nakatulala pa rin ako at di makapaniwala sa imga nangyari.

Napangiti ako. Pinunasan ko agad ang luha ko.

"Han.."

That voice. Yung boses na lagi kong gustong naririnig.

Nandito siya. Hindi nya ko iniwan.

I turned around, and I saw him walking towards me. He's still in bandages at iika-ika ang lakad niya.

Lumapit na din ako sa kanya at hindi nag-atubiling niyakap siya. God I missed this.

"Ch-Chris.." I missed him so much and I'm glad na nandito pa rin siya at hindi nya ko iniwan.

Gising na rin siya. He kept his promise. He would never leave me.

Humarap na siya sakin. "Babe.."

Tuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Chris.."

"How are you?"

I cupped his face. "Ma..masayang-masaya Chris. Sobrang saya. Anong masakit sayo ha? Higa ka kaya muna. Baka kung ano pang mangyari sayo."

"Han, okay lang ako." He brushed my tears. "E bakit umiiyak ka?" 

"Kasi..kasi masaya ko. Nandito ka na ulit. Chris.."

He hugged me again at hinagod niya ang likod ko. "Shh.. Diba sabi ko sayo di ako aalis sa tabi mo?"

"Oo, Chris. Salamat.." I'm really thankful. Lord, thank you.

I broke the hug at hinarap ko siya.

"Namiss kita." I said.

"Alam ko naman yun." He laughed. Namiss ko yun ng sobra.

"Oo na. Hindi ko na itatanggi na sobrang namiss kita."

And I'm willing to say it a thousand times. Wag lang ulit mangyayari to.

I kissed him quickly on his cheeks.

He frowned.

"O bakit?" I told him. Nagtataka din ako kung bakit ganun ang reaksyon niya.

"Kakasabi mo lang na miss na miss mo ko tapos dun lang?" Natawa ko sa kanya.

I kissed him on his other cheek. "O ayan."

He frowned again. "Babe hindi mo naman yata talaga ko namiss e."

"Ikaw ha. Sipain ko pa yang pilay mo e." I giggled.

"Hooh. Sige, sipain mo na lang."

I put my arms around his neck. "Ah talaga? Don't dare me, Chris." I moved my face closer to his.

He moved closer, too. "Bakit Han, anong gagawin mo?" He has this big smile.

I moved closer again. This time, our noses are touching.

"O ano Babe? Anong gagawin mo ha?"  He said. Now, he's rubbing his nose to mine.

Our lips are almost touching and I said, "Cause I'd rather do this."

I kissed him on the lips and he returned it.

Chris, I could kiss you everyday. Just stay by my side. I love you.

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now