Chapter 16: Under The Rain With You

621 6 6
                                    

Chapter 16

Pauwi na kami at nakasakay sa kotse ni Christian. Tulad kanina, holding hands pa rin.

Tinitingnan ko siya paminsan-minsan habang nagdadrive, at magkakasalubong pa nga ang mga tingin namin, tapos natatawa na lang kami. Ang saya nung gabing yun.

Gusto niya kong makasama habambuhay. I'm the luckiest girl in the world.

Habang nasa byahe, iniisip ko na yung future naming dalawa ni Christian. Napapangiti na lang ako.

Nahinto ang pagdedaydream ko nang biglang hininto ni Christian ang sasakyan. Kung non-existing ang seatbelts sa mundo, nabagok na siguro ang ulo ko. Bigla-bigla kasi yung paghinto niya.

"What the heck! So stupid!" Sabi niya. Anung problema nun?

"Chris, anong problema?" Tumingin siya sakin. Yung muka nya halatang frustrated.

"Babe, I'm sorry. Yung.. Yung.. Aish. Ang tanga tanga ko naman.." Hindi ko na talaga siya maintindihan.

"Yung.. Yung singsing, Babe. Nakalimutan kong bumili ng singsing. I'm sorry. God, I've given you the worst proposal ever."

Singsing? Oh. Oo nga. Hindi nya ko binigyan. Pero ano namang pakialam ko sa singsing na yan. I'm marrying him anyway.

I squeezed his hand. "Babe, you've given me you. Sapat na yun."

He smiled. "Babe, no. Tara pipili na tayo ngayon na." Nag-U-turn siya. Hindi na ko nakipagtalo.

---

"Eto, gusto mo?" Tanong niya sakin. Dito kami ngayon sa jewelry shop, namimili ng singsing. Nakailang pili na siya, pero ni hindi ako umoo sa kahit isa.

"Uhm.. Babe, sabi ko naman okay lang kahit wala na." Totoo naman talaga e. Okay lang.

"Hannah."

"Okay nga lang. Promise." Nahihiya na kasi ako sa kanya. Hindi lang naman ako nagpapakipot. Okay lang talaga. Ilang beses ko na sinabing "okay lang".

"Babe, you're hurting my pride." Nakita kong naging malungkot ang mukha niya. "Tara, uwi na tayo."

Umalis na kami sa shop. Nauuna siya saking maglakad. Hindi nya ko nililingon.

I really messed up this time. I'm sorry, Christian. Ang bilis niya maglakad. Di ko na nga siya mahabol e.

Ang sakit nga siguro sa ego ng lalake yun. Kailangan kong magsorry.

"Chris.."

Huminto siya sa paglalakad. Bago pa ko makapagsalita ulit, nagpapaalam siyang pupunta muna siyang CR sa malapit at hintayin ko na lang daw siya dun.

Hindi siya tumitingin sakin.

Umupo na lang ako sa bench malapit sa pinag-iwanan niya sakin. Medyo lumalamig na dito sa labas.

Ang arte-arte ko kasi. Dapat namili na lang ako kanina. Maganda naman lahat ng napili niya e. Ako lang tong may sayad ang pag-iisip.

30 mins na pero di pa siya bumabalik. Siguro hindi siya nagCR. Lumayo lang talaga siya para hindi nya maibunton sakin ang sama ng loob nya. I'm really sorry, Christian..

Kanina lang ang saya-saya namin tapos biglang ganito. Di ko namalayan naluluha na pala ko. Pinunasan ko agad. Ayokong magpakita kay Christian na umiiyak ako. Magsosorry pa ko sa kanya.

"Han." Nandito na si Christian. Tumayo na ko.

"Chris, I'm sorry."

"Shh." He caressed my face.

I was surprised when he kneeled in front of me at may inilabas na box at binuksan yun.

Kaya pala siya bumalik. Ayaw niyang umuwi nang hindi niya nagagawa yun.

"Babe, I'm sorry kung nadelay to. Pasensya ka na. I love you." Naiyak na ko sa sobrang saya.

"Hannah Christine Romualdez, I love you so much and I want to spend an eternity with you.

Please, marry me."

"Y-Yes, Chris. Mahal na mahal kita. Kahit ilang beses mo pa sabihin yan.." I couldn't stop myself from crying. "Tumayo ka na nga dyan. Ang dumi o."

He stood up and hugged me tight. "Promise hindi ka magsising pakasalan ako. Aalagaan kita. Pangako ko yan sayo."

Niyakap ko din siya. "Alam ko, Chris. Alam ko yun. Ikaw din, aalagaan kita. Aalagaan natin ang isa't isa. Thank you Babe. Hindi mo alam kung gano ko kasaya ngayon."

Inalis na niya ang pagkakayakap niya sakin at hinarap ako.

"Mahal na mahal kita."

(Now playing: Kiss The Rain, Yiruma) ---- >

Then he kissed me passionately. He really does love me. Pakiramdam ko tumigil ang mundo para sa moment namin na to.

And suddenly, sa di inaasahang pagkakataon...

It rained.

We kissed again under the rain. And this time, it was more than magical.

---

A/N: Next update later, or bukas. :) Keep safe, guys. Nasa first floor na ang baha dito. Buti na lang di pa nawawalan ng kuryente.

Ingat tayong lahat.

- Leah :)

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now