Chapter 26: "I will not let you go again."

593 5 0
                                    

Chapter 26

It's been days mula nang outing namin sa Batangas. Just like nung college, ang galing galing pa rin naming magpretend na wala kaming relasyon.

Oo, natatakot pa rin naman ako na baka makarating na naman to sa papa nya. Hindi nga ako makapaniwalang hindi na ko tinatanong ni Chris kung bakit gusto kong isikreto ang namamagitan samin. Minsan tuloy nagdadoubt ako. Baka maging parang summer fling lang to at aalis na lang siya at mawawala na lang na parang bula.

But I guess I deserved it. Sa ginawa ko ba naman sa kanya, sinong di magagalit? Ang dami nyang tanong na di ko masagot at inis na inis na ko sa sarili ko dahil minsan gustung-gusto ko na sa kanyang sabihin pero nauuwi ako lagi sa pagiging pipi.

Pakiramdam ko kasi nagiging unfair na ko sa kanya. Open na open siya sakin samantalang ako may itinatago sa kanya.

Mag-isa lang ako sa bahay ngayon dahil wala si Nanay Rose dahil day-off nya. Bukas pa siya uuwi and yes, I'm so alone.

Saturday ngayon - closed ang studio at wala rin namang event akong pupuntahan kaya mas pinili kong pumirmi na lang sa bahay. I need a break. Nagsketch na lang ako... ^_^

Nakakapagod din ang last week dahil punung-puno ang sched ko. Actually, mula nang umuwi kami galing Batangas, di na kami nagkita ulit ni Christian. Tinatawagan nya na lang ako madalas just to check on me. Siya din ang radyo ko bago matulog. Lagi ko kasing inaasar na kantahan ako pero hindi naman siya umaangal. As long as ako naman daw ang kakantahan nya, okay lang sa kanya. Kahit papiyuk-piyok at sintunado pa kung minsan, he's the best singer in the world for me. And I love him. Ang sarap kayang kantahan ng mahal mo. :)

Gusto ko na tuloy siya ulit makita.

My phone rang. Nakalimutan ko pala sa sala kanina kaya ibinaba ko na lang ang sketch pad ko sa kama at nagmadali na kong bumaba. Baka si Christian pa naman yun.

Pagkababa ko kinuha ko agad ang phone ko at nakita ko ngang siya ang tumatawag. I smiled. "Babe? I miss you."

Odiba, wala nang hello hello pa. XD

Ganyan ako kasweet at kaopen sa kanya ngayon.

Lahat ng oras, lahat ng minuto, mahalaga na para sakin. Ang daming nawala samin sa loob ng dalawang taon. I promised to myself na magiging open na ko lagi sa feelings ko para sa kanya. I just feel like it's the right thing. Pag mahal mo ang isang tao, wag ka nang magdoubt na sabihin sa kanya na mahal mo siya at importante siya sayo. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa hinaharap, so might as well live every moment and treasure it.

"I miss you more, Babe. Kaya buksan mo na ang pinto."

Pinto? Oh, right. Nasa kwarto kasi ako kanina kaya di ko narinig na may kumakatok pala. Buti na lang malakas ang ringtone ko kaya narinig ko kahit nasa second floor ako.

Pumunta na ko agad sa pinto at mabilis na buksan ang doorknob at ayun na nga si Christian, ngiting-ngiti. I missed those smiles for almost two years.

Niyakap ko siya agad na ikinagulat naman niya. Talagang magugulat siya dahil hindi naman talaga ako ganito dati. Tulad nga ng sinabi ko, magiging open na ko sa feelings ko para sa kanya at sa oras na yun, I just want to hug him so bad. Almost one week ko rin siyang di nakita e.

"I miss you." Sabi ni Christian nang humiwalay na ko sa yakap namin at tumingala sa kanya. He gave me a peck on the lips that's enough to burn my cheeks. Kahit anong gawin nyang sweet kinikilig ako lagi.

"I miss you too. Kumain ka na ba?" It looks like na may work siya ngayon at tumuloy na lang dito. Maybe I can cook him dinner. :)

"Syempre hindi pa.  Kaya nga ako nandito e. Makikikain lang." Okay. Inuumpisahan niya na naman akong asarin. Syempre hindi ako papatalo. XD

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now