Chapter 28: Unexpected

532 5 0
                                    

Chapter 28



Hindi na lihim ang relasyon namin ni Christian. Ipinaalam na namin kila Mia, Kate at Mike. Masaya sila para sa aming dalawa.

Mula nung gabing yun, naging mas matatag pa kami. Mas naging sweet pa siya lalo. Madalas siya pumunta sa bahay para bumisita. Pati nga sa studio ko madalas din siyang nandun. Kahit busy siya, he'll make time for me, at ako din naman.

Masaya ako, oo. Pero iniisip ko din si Christian. Buhay-pamilya niya ang nakasalalay dito, pero mas pinili niya ko. Pakiramdam ko ang makasarili ko, pero this time gusto ko na rin kasing lumaban. Nagmamahal lang naman kami. Lalaban ako kasama ni Christian kahit anong mangyari.

---

Nasa condo ako ni Christian at pinagluto ko siya ng dinner. Hindi naman ako dun matutulog at uuwi din maya-maya. Pinapunta nya kasi ako dahil miss na niya ko. E sa araw-araw nga kaming nagkikita dahil hatid-sundo nya ko. Nababaliw na yata. XD

Nanunuod lang kami ng tv sa living room ng condo nya. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at hawak-hawak naman niya ang kanang kamay ko. Nilalaro-laro niya yun.

"Gwapo ni Enchong Dee no?" Gwapo naman talaga. Nanunuod kasi kami ng movie nun, I Do title.

"Sus, Babe. E mas gwapo pa boyfriend mo dyan e."

"Hmm. Hindi yata." XD

"Pramis. Swerte mo kaya sa boyfriend mo." Natatawa na ko sa usapang to.

"Pano naman ako naging swerte sa kanya?" I looked at him.

"Yang Enchong na yan, mahal ka ba niyan?"

"Hindi. E yung boyfriend ko ba mahal ako?"

He kissed my lips.

"Oo. Sobra sobra."

Namula ko ng sobra dun. I kissed him back quickly.

We laughed. Sana ganito kami lagi kasaya.

"Uhm..Babe, aalis nga pala kami bukas. 2 days daw yun, sa Baguio. Para sa project namin."

Nalungkot ako. Mahaba ang two days para samin. Araw-araw kasi kami nagkikita at hindi na halos mapaghiwalay.

"Hmm..okay."

Pero ang tagal talaga para sakin ng two days. =_=

"Yun lang? Okay? Di mo ba ko mamimiss Babe?"

Christian Dy - EnrichWhere stories live. Discover now